Kabanata 20

23.4K 982 404
                                    

Kabanata 20

Napatingin ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang patak ng ulan. Nagmo-moist ang bintana kaya sinulat ko doon ang pangalan ni Tiago. Agad na binura ko ito ng pumasok siya sa kotse.

"Lakas ng ulan." aniya at nagpagpag habang tinabi sa gilid niya ang payong at hinubad ang jacket.

"Saan iniwan mo na lang ako. Kaya kong umuwi mag-isa."

Hindi siya umimik at pinaandar na ang sasakyan. Naiinis ako dahil hindi niya sinasabi kung ano ba ang plano niya. Sa isang iglap ay ika-cancel niya ang kasal nila ni Katarina. Sa isang iglap ay narito siya ngayon para bang mas mahalaga ako kay Katarina. Dahil ba buntis ako sa anak niya? O baka nagkagalit sila ni Katarina dahil nalaman ni Katarina na buntis din ako kaya si Katarina mismo ang umatras. At dahil iniwan siya ni Katarina, at may isa pa nga naman siyang babae kaya nagsusumiksik siya ngayon sa akin. Ang sakit isipin kung gano'n. Na second choice lang ako. Parang 'yung left over niya na wala siyang choice kundi pagtyagaan kasi iyon lamang ang natitirang willing na nakahain.

Napatingin ako muli sa bintana at tahimik na tumingin sa labas habang hindi ko mapigilan na pumatak sa isang mata ko ang luha. Tahimik lang din siya at walang sinasabi kung saan ba kami pupunta. Minsan naiisip ko kung para saan ba lahat ng ito? Bakit hindi ko pa rin maramdaman kay Tiago ang buo niyang pagmamahal? Kahit na hindi matutuloy ang kasal nila ay parang kahati ko pa rin si Katarina.

Mahirap din palang abutin ang pinangarap mo lang naman. Na gusto ko lang naman maibalik ang dati, pero hindi ko naisip na wala ng dati. Na hindi na katulad noon ang inaasahan ko. Gusto ko lang naman na mahalin din. Dahil buong buhay ko ay hindi ako minahal ng Mama ko. Buong buhay ko ay wala akong pamilya na magmamahal sa akin, pero nagbago 'yon ng dumating sa buhay ko si Tiago. Nung dumating siya ay noon ko lang na-realize kung gaano nagbago ang buhay ko at sumaya, pero ngayon ko lang din napagtanto na 'yung buhay ko at nagpapasaya sa akin noon ay hindi na sa akin umiikot ang mundo.

Napapahid ako ng luha ng huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid at nagulat ng makilala ang lugar kung saan ako dinala ni Tiago, kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit dito mo ako dinala?"

Inalis niya ang seatbelt at saka tumingin sa akin ng normal. Inaasahan ko bang titignan niya ako ng malagkit gaya ng dati?

"Wala akong pagpipilian. Dito mas safe kayo ni Baby. Sumunod ka nang bumaba." aniya at binuksan ang pinto.

Napahinga ako ng malalim at inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto. Napatingin ako sa kanya na inalalayan ako sa pagbaba. Pagbaba ko ay inaya niya ako para pumasok na kami sa bahay nila. Kinabahan naman ako dahil iniisip ko kung ano kaya ang reaksyon ngayon ng pamilya niya. Kinakabahan ako.

Mahigpit akong nakahawak sa bag ko habang nakasunod kay Tiago. Pagpasok namin ay mga kapatid niya ang nabungaran namin na naghaharutan pa, pero napahinto ng dumating kami.

"Sila Mum at Dad?" tanong ni Tiago.

"Nasa room nila, Kuya." ang sumagot ay 'yung lalake. Naalala ko ito! Ito 'yung nakabunguan ko nung engagement party ni Tiago at Katarina. Kapatid pala niya ito.

Napatingin ako kay Miracle na tumayo at walang imik na umalis. Bigla ay napalunok ako at nahiya sa naging reaksyon nito. Umalis din ang dalawa niyang kapatid kaya para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Tara. Magpahinga ka muna." ani ni Tiago at maglalakad na sana siya ng pigilan ko siya.

"Doon na lang ako kela Nay Maria. ."

Nakatingin ako sa likod niya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Mas okay na dito ka na lang." tugon niya at inaya na ako.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon