Kabanata 31
Kinabukasan ay tanghali na kami nagising. Naalala ko si Iron. Sa sobrang pagod namin sa nangyaring kidnap at sa nangyaring pagtatalik namin ay pagod na pagod kami na nakatulog. Napatingin ako kay Tiago na natutulog pa habang nakayakap sa akin. Bumangon ako at inalis ang yakap niya. Tinignan ko ang oras at lalo akong nataranta. Pinulot ko ang pinaghubaran ko at sinuot. Habang nag-aayos ay napatingin ako kay Tiago na nagising.
"Good morning, Mama." aniya at ngumiti habang pikit-pikit ang mga mata.
"Good morning. Bumangon ka na d'yan at nakakahiya sa pamilya mo. Pupuntahan ko lang si Iron, nakalimutan natin kagabi."
Napangiti siya lalo at nag-unat, "Huwag kang mag-alala, hindi pababayaan nila Mum si Iron." aniya.
Umiling ako, "Kahit na, nakakahiya." nang makaayos ako ay pumunta ako sa banyo para maghilamos at umihi. Nagsipilyo na rin ako at patapos na ako ng pumasok si Tiago para umihi.
"Aasikasuhin ko na ang pag-renovate sa bahay natin para makalipat agad tayo." aniya at nang matapos ay lumapit sa akin. Binuhay niya ang gripo at naghugas, "Papasok na rin ako sa Jara para tulungan agad si Daddy." dagdag pa niya.
Nagmumog ako at hinugasan ang sipilyo ko. Pagkatapos ay nagpunas ako ng bibig bago ko siya harapin.
"Hindi ba masakit ang katawan mo? Magpahinga ka muna.."
Umiling siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi sandali.
"Balewala ito. Gusto ko na rin pumasok para makapag-bonding naman si Mum at Daddy. Dahil sa nangyari sa akin kaya naging busy si Daddy."
Humawak ako sa braso niya, "Oo nga pala. Naalala ko lang, alam mo na ba kung sino ang sumunod sa 'yo kaya ka nabangga at nabulag?"
Napahinga siya ng malalim, "I don't know yet. Nawala na sa isip ko sa dami ng nangyari. Pero ngayon na pinaalala mo, aalamin ko kay Dad kung ano nang balita doon."
Tumango ako at napangiti nalang. Lumabas na ako para asikasuhin si Iron, habang si Tiago ay naghahanda para pumasok.
Naabutan ko sila Mum na pinapainom si Iron ng milk.. Mabuti nalang at hindi pihikan si Iron sa gatas. Kahit na powdered milk ay ayos lang sa kanya.
"Good morning po." bati ko kaya napatingin sila.
"Good morning din, Hija." bati ni Mum, "bakit bumangon ka na? Nagugutom ka na ba?"
Umiling ako, "Naalala ko lang po si Iron, pasensya na po sa abala at hindi namin nakuha siya."
"Ano bang ginawa niyo at nakalimutan niyo si Iron, Ate?" tanong ni Miracle kaya tinapik ito ni Mum.
"Tinatanong pa ba 'yan, Miracle." sita ni Mum at bumaling muli sa akin, "Huwag mo nga itong pansinin, Lucy. Kumain ka na, at nasaan ba ang anak ko? Kumain na kayo at kami na ang bahala sa apo kong cute na 'to." sabay gigil niya kay Iron na tumawa kaya napangiti ako.
"Nagbibihis po, papasok daw po siya."
Napatigil si Mum sa panggigigil kay Iron at napakuno't noo.
"Huh? Bakit siya papasok? Hindi pa siya magaling, ah." aniya na hindi sang-ayon.
"Ayos na ako, Mum." biglang sabi ni Tiago.
Napalingon ako kay Tiago na bumaba ng hagdan habang inaayos ang manggas ng sleeve polo niya. Nang makababa siya ay lumapit siya sa amin, sa akin, at humawak sa baywang ko.
"Pero baka mabinat ka? Puro pasa ka pa." nag-aalalang sabi ni Mum.
"Ayos na nga po ako. Mabisa kasi ang gamot na binigay ni Lucy."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Ficción GeneralLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...