Kabanata 17
Nakatingin ako sa pinto kung saan naroon si Tiago. Magbuhat ng magkaroon kami ng deal sa relasyon namin ay pumupunta siya sa penthouse niya at sa akin nagpapalipas ng gabi. Pero kapag dito sa opisina ay balik kami sa dati at balik siya kay Katarina na ngayon ay nasa loob ng opisina niya kasama niya ang mother nito na nag-birthday nung nakaraan.
Napayuko ako dahil nais ko sanang kausapin si Tiago. Alam ko na may nilalaan siyang oras sa akin ngunit nabibitin ako dahil tuwing gabi lang. Hindi ko rin masulit na makausap siya dahil palagi lang nauuwi sa pagtatalik ang pagpunta niya sa pent house.
"Hey, Lucy. Mukhang malungkot ka?"
Napatingin ako kay Brix at nakasandal siya ng upo sa upuan niya habang nakataas ang mga paa sa lamesa at kumakain ng mansanas.
"Hindi. May iniisip lang ako."
Ngumiti siya ng pilyo, "Iniisip mo rin ba sila sa loob?"
"Hindi."
Natawa siya pero hindi ko na pinansin dahil bumukas ang pinto kaya napatayo ako. Lumabas ang mother ni Katarina at sina Katarina at Tiago. Nakahawak sa baywang ni Tiago si Katarina habang nakaakbay si Tiago rito. Gusto kong umiwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng selos. Selos na hindi naman dapat dahil mas may karapatan naman talaga si Katarina.
"Miss, ikaw 'yung nagsayaw sa birthday party ko, right?"
Tumango ako, "Opo."
"Next time don't do that. Ganyan ka ba talaga mag-perform? Parang bihasa ka sa pagsasayaw sa mga bar gaya ng palaging pinupuntahan ng asawa ko sa england."
Napayuko ako dahil kahit hindi naman niya sinasadya ay para akong napahiya.
"Tita, huwag naman kayong harsh kay Lucy. Ako nagturo sa kanya no'n. Hindi pa kasi tapos, e, sasayaw pa ako pero pinahinto niyo agad."
"Sorry, Hijo. Akala ko kasi ay sinasayawan ako ng malaswa. Nagkamali ako. Sorry din, Hija."
Tumango ako at napatingin kay Tiago na gaya ng una na para siyang malamig sa akin. Napatingin ako kay Brix na inakbayan ako.
"Tita, sexy lang talaga si Lucy kaya akala niyo malaswa."
Tumawa ang mother ni Katarina, "Sabagay, magandang bata pa."
Ngumiti si Katarina, "Yes, Mom. Lucy is pretty. She looks like Lucy Torres, the wife of Richard Gomez."
"Oo nga. Para kang iyong kabataan ni Lucy Torres."
Ngumiti na lang ako at napatingin kay Katarina. Bakit ang bait niya? Bakit nagi-guilty ako sa kabaitan niya?
-
"Ayoko na hinahayaan mo si Brix na hawakan ka." iyon ang bungad sa akin ni Tiago mula ng umuwi siya sa pent house. Nauna ako rito at tinext niya lang ako habang hinahatid sina Katarina sa bahay nito. Galit siya.
"Hindi naman sinasadya ni Brix 'yon at walang malisya."
Nagsalin siya ng tubig sa baso na cyrstal at nilagok niya agad 'yon. Napaidtad ako ng malakas niyang ibaba sa lamesa ang baso.
"So, okay lang sa 'yo na akbayan ka niya? Kung ayaw ko?"
"Huh?"
Humarap siya sa akin at lumapit. Hinawakan niya ako sa pulso at hinila. Hinila niya ako sa kwarto niya at tinulak sa kama. Napalunok ako at napatingin sa kanya na sumampa ng kama at agad na pumaibabaw sa akin.
"Oras na makita kong magpapahawak ka kay Brix, hindi na ako pupunta rito," Para akong namutla sa sinabi niya at napaiyak ako, "Bakit?"
"Gano'n lang ay puputulin muna ang sa atin? Wala naman talaga 'yon, e. Mabait lang si Brix."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...