Kabanata 7
HINDI ko alam kung saan ako dadalhin ni Peter. Lutang na lutang ako sa kakaisip kay Louis. Matagal bago nakasunod sa amin ang tauhan ni Peter, kaya nangangamba ako na baka iniwan nila si Louis na walang buhay. Hindi tumigil sa pag-iyak ang mga mata ko. Sobra akong nag-aalala kay Louis ngayon. Lahat ng pangamba ay nangyari na. Sobra akong nagsisisi na tinanggap pa ang offer ni Mama Che. Kung hindi ko siguro tinanggap ay baka malaya kami ni Louis. Malaya sa kamay ngayon ni Peter.
Huminto ang sasakyan sa bahay ni Peter. Wala akong lakas sa sobrang pag-iyak. Nanggigigil din akong saktan si Peter pero alam ko na wala akong laban.
"Tawagan mo si Mr. Lewis. Sabihin mong makikipagkita na ako sa kanya."
Hinatak ako ni Peter papasok ng bahay niya matapos utusan ang kanang kamay niya. Napaiyak ako ng mapasubsob ako sa sahig ng itulak niya ako.
"Kung akala mo matatakasan mo ako Lucy, nagkakamali ka. Akin ka na at kahit ilang milyones pa ang ilabas ng anak-anakan mo ay hindi ko tatanggapin. Dito ka lang at hindi ka na makaaalis sa poder ko dahil sisiguraduhin kong hindi na kayo magkikita pa ng anak-anakan mo."
Dumadagundong na sinara niya ang pinto. Umiiyak na napabangon ako at nanghihina na lumapit sa pinto. Narinig ko ang pagkandado niya sa pinto tila dito na ako habang buhay. Napaupo ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
Ayokong manatili kay Peter. Ayokong makulong rito. Gusto ko nang umuwi at makita si Louis. Natatakot ako na magkakatotoo na baka hindi ko na makita pa si Louis.
Sinubsob ko ang mukha sa tuhod ko habang nakasandal sa pader ang likod. Hirap na hirap na ako sa buhay ko. Bakit kung kailan ako masaya ay saka naman 'yon puputulin ng mga katulad ni Peter? Una si Mama, iniwan ako kaya nagawa kong kumapit sa patalim para sa amin ni Louis. Pangalawa, dahil din sa pagiging pabaya ni Mama kaya wala akong ano mang natutunan sa mundong ito kundi maging alipin ng ibang tao. Kailan ba matatapos lahat ng pagdurusa ko? Gusto ko nang lumigaya, mamuhay ng payapa, at makulong lamang sa piling ni Louis. Pero hanggang ngayon pinagkakait pa rin sa akin 'yon.
Narinig ko ang bawat paghahanda nila Peter. Hindi ko alam kung para saan. Busy sila kaya pinagpapasalamat ko 'yon dahil hindi ako ginagalaw ni Peter. Hinahatiran lamang ako ng pagkain ng tauhan niya at naaawa ako sa sarili ko dahil para akong preso rito sa kwarto na wala man lang mahigaan.
Napakutkot ang kuko ko sa sahig habang kitang-kita ang mga guhit na ginawa ko para bilangin ang araw na lumilipas. Wala akong ibang magawa kundi 'yon. Pudpod na ang mga kuko ko dahil sa kakakutkot.
Hindi ko din maiwasan na palaging tulala sa pag-iisip kay Louis. Iniisip ko kung kumusta na kaya siya? Kung nalapatan ba niya ang mga sugat niya? Halos mabaliw ako sa pag-alala at kakaiyak. Umiisip rin ako ng paraan paano makakatakas sa impyernong kamay ni Peter, pero wala akong maisip dahil armado sila ng baril at may nagbabantay sa akin sa labas.
Kahit matulog hindi ko magawa. Hindi ko na inaalala ang kalusugan ko dahil ano pa bang purpose ng buhay ko kung makukulong lamang ako sa piling ni Peter habang buhay.
Nakarinig ako ng yabag kaya agad na nagsumiksik ako sa pader. Pumikit ako habang nananalangin na sana ay walang masamang mangyari sa akin. Hindi ko na maiwasan na gano'n ang maging reaksyon lagi, dahil tuwing papasok si Peter ay hinahalikan niya ako at hinahawakan. Mabuti na lamang at palaging nauudlot, gawa na parating may dumadating siyang bisita.
Bumukas ang pinto at nagpanggap akong tulog para hindi niya magawa ang ano mang nais niya.
"Lucy, bumangon ka d'yan."
Napilitan akong dumilat ng biglang hatakin ako sa braso ni Peter.
"N-Nanghihina ako.." parehong tuhod ko ay parang nanlalata sa sobrang pagkakaupo at dulot na rin ng lamig ng sahig. Ilang araw ba naman akong nakaupo doon at isama pa na ikinadena ako ni Peter. Labing dalawang guhit sa sahig, ibig sabihin labing dalawang araw na akong namamalagi sa kwartong ito.
BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Fiction généraleLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...