Kabanata 9
Inaakit ng mga bituwin ang aking mga mata para tingalain sila. Iniisip ko na isa sa mga stars na 'yon ang baby ko. Na kahit wala na siya sa akin ay alam kong nariyan lang siya at nakatingin.
Nakakalungkot isipin na sa kabila ng lahat ay mauuwi din akong mag-isa. Pinagpapasalamat ko na sa araw-araw na mag-isa ako ay hindi ko nakakasalubong o sumusulpot man lang sa harap ko si Peter. Nag-iingat na rin ako. Hindi ako basta-basta lumalabas ng apartment ng hindi naka-face mask o nakabalabal. Ayokong matunton muli ni Peter, kaya kahit magtiis ay ginawa ko para lang maging malaya.
Nagpapasalamat ako sa apat na marias na kahit ayaw man nilang umalis ako ay wala silang magawa dahil desisyon ko rin na umalis dahil nakakahiya kung mananatili ako. Paminsan minsan ay dinadalaw ko sila sa kanilang bayan para makumusta at makasama sila. Sila na rin ang tinuring kong pamilya lalo't walang-wala ako no'n. Bumalik ako sa maynila para mag baka sakali na makita o mahanap ko si Louis, ngunit bigo ako. Pinagtanong ko rin siya sa mga kaibigan niya, ngunit wala rin silang alam kung saan nagpunta si Louis. Halos araw-araw ay nag-babaka sakali ako sa dati naming bahay baka kasi umuuwi siya doon, ngunit inaabot na ako ng dilim wala pa ring Louis na nagpapakita.
Hindi ako sumuko. Kahit hindi ako marunong gumamit ng computer sa isang computer shop ay nagpaturo ako sa kakilala para mag baka sakali muli na mahanap siya doon. May nakapagsabi sa akin na madalas kapag ang isang taong nawawala ay madali na lang makita sa pamamagitan ng social media. Umaasa ako na baka doon makita siya. Lahat ata ng may Louis na pangalan ay tinignan ko sa social media ngunit wala ni isa doon si Louis.
Ayoko mang isipin na pinagtataguan ako ni Louis o nasa pinakamalayo siyang lugar, ngunit dalawang taon na hindi ko pa rin siya makita. Gabi-gabi ay umiiyak ako para tanungin ang sarili ko at sa diyos kung bakit ako parating iniiwan ng mga taong mahal ko. May mali ba sa akin? Hindi ba nababagay sa akin na may kasama? Bakit ako iniiwan ng lahat? Ano bang kasalanan ko?
"Hay, kapagod!"
Nawala ako sa iniisip ko at tumingin sa likuran ko. Naupo sa upuan si Megan na kaibigan ko at ka-trabaho na rin sa bar. Talaga atang bar na lang ang parati kong bagsak. Pero hindi tulad dati na halos para akong sinasakal noon sa bar ni Mama Che, ngayon kasi ay iba sa bar na pinagtatrabahuan ko. Sinusunod ang request ko na mag maskara para hindi ako makilala lalo na at baka mapadpad pa si Peter sa bar na pinagtatrabahuan ko. Mahirap na at baka maulit muli ang dati. At saka, masaya ako ngayon lalo dahil may nakilala akong kaibigan sa pagkatao ni Megan. Siya ang tumulong sa akin para makapasok sa bar na pinagtatrabahuan niya. Nung una ay ayaw ko nang pasukin pa ang trabaho sa bar bilang dancer, pero pinaliwanag sa akin ni Megan na never pa siyang nakipagniig sa sinasayawan niya dahil hanggang sayaw lang talaga ang nangyayari. Ganoon din ang gagawin ko kung sakali na tanggapin ko ang suhesyon niya. At hindi nga siya nagkakamali, dahil mas magaan at mas masaya na akong nagsasayaw na walang pamimilit, basta gagawin lamang namin ang gusto ng boss namin na mag-entertain ng costumer..
Kapitbahay ko lang si Megan. Pang isahan lang din kasi ang laki ng apartment namin kaya hindi kami pwedeng magsama. Pero kahit na, magkapitbahay pa rin naman kami.
Lumapit ako sa kanya para maupo rin. Kakagaling lang namin sa trabaho namin at madaling araw na nga ngunit gising pa kami pero pagod na rin dahil nakakapagod din ang trabaho namin.
"Ano, iniisip mo pa rin ba ang paghahanap sa kapatid mo?"
Napahinga ako ng malalim dahil basang-basa talaga niya ako.
"Hindi ako mapakali hanggang hindi ko siya nahahanap, Meg. Ayaw kong magsisi sa huli kapag hindi ko siya hinanap."
"Friend, dalawang taon ka nang naghahanap, hindi pa ba sapat 'yon para tumigil ka na? Hindi mo talaga mahahanap ang taong ayaw ng magpakita. Base sa sinabi mo ay mukhang ayaw ka na talagang makita ng kapatid mo. Saka, kung magkikita talaga kayo, magkikita kayo kahit hindi mo siya hanapin. Masisira lang beauty mo sa kakaisip at kahahanap."
BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Ficción GeneralLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...