Kabanata 18

20.2K 838 328
                                    

Kabanata 18

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra akong nasasaktan sa trato ni Tiago. Sobra akong nasasaktan dahil wala akong dapat na ikareklamo. Sobrang sakit. Matapos ang araw na 'yon ay sinubukan kong huwag silang tignan o pansinin man lang pero hindi nangyari. Dahil hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanila at magselos ng matindi.

"Lucy, tapos ka na ba? Bakit ang tagal mo?"

Nanginginig ang kamay ko. Two weeks na ang nakakaraan at sa dalawang linggo ay nakaramdam ako ng kakaiba. Wala akong ibang mapagsabihan. Natatakot ako ngayon.

"T-tapos na ako." tugon ko kay Tiago. Oo, ganoon pa rin ang routine namin. Balik sa dati. Tinago ko sa bag ko ang bagay na hindi ko kayang ipakita sa kanya. Agad na inayos ko ang sarili ko at lumabas ako.

Napatingin siya sa akin na naghihintay sa pinto. Umiwas ako at nilagpasan siya. Lumapit ako sa upuan at nilapag doon ang bag ko. Nakatalikod ako sa kanya ng lumapit siya. Napapikit ako ng halikan niya ang balikat ko.. Kakatapos ko lang mag-shower at siya rin. Nakatuwalya lamang ako kaya malaya ang labi niya na lumandas sa leeg ko ngayon.

"T-tiago, puwede bang huwag muna ngayon? Masama pakiramdam ko." pinigil ko siya. Hindi rin naman ako mapakali dahil sa sobrang kaba ko ngayon.

"Kanina ay ayos ka lang, ngayon ay masama pakiramdam mo?" Umalis siya sa likod ko at lumapit sa kama. Naupo siya at tinignan ako, "ano bang problema mo?" nakakuno't niyang tanong.

Napapisil ako ng kamay habang tinitignan siya at tinatansya kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Natatakot ako na hindi siya maniwala. Natatakot ako na baka itanggi niya.

"W-wala. . masama lang talaga pakiramdam ko."

Napahinga siya ng malalim at umiling. Tumalikod ako at napapikit. Hindi ako siguro kay Tiago. Hindi ko alam kung kaya niya bang ipagpalit ang lahat para sa akin. Hanggang ngayon ay isa pa rin akong hadlang sa kanila ni Katarina.

"Patayin mo na lang ang ilaw pagkatapos mo." sabi niya kaya nilingon ko siya. Inalis niya ang suot na roba at nahiga na siya. Tumalikod siya sa gawi ko kaya napayuko ako na umalis.

Nagbihis ako at muling lumapit sa kanya. Tulog na siya kaya napahinga ako ng malalim at pinatay ang ilaw. Tumabi ako sa kanya at nagkumot. Tinignan ko ang likod niya at umusog ako palapit. Marahan na niyakap ko siya at saka ako pumikit. Hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ko ang problema ko na hindi ko masabi sa kanya. Gabi-gabi na ako hindi nakakatulog ng maayos at dumagdag pa ang suliranin ko ngayon.

Paggising ko ay wala na siya. Nakakalungkot isipin na pagkatapos ng gabi ay sa umaga wala na siya. Buong araw ay opisina at kay Katarina siya.

"Lucy, morning." bati ni Brix ng makarating ako sa Jara at sa opisina.

"Morning, Brix." bati ko pabalik at walang gana na pumunta sa table ko.

"Para kang matamlay? May problema ba?" tanong niya at lumapit. Agad na dinaluhan niya ako para tignan ang kalagayan ko..Tinignan ko si Brix. Bakit nagagawa niya ang mga bagay na hinihiling kong gawin sa akin ni Tiago. Kahit na hindi ko lubos na kilala sa mahabang panahon si Brix ay ramdam ko ang pagiging maalalahanin niya sa akin. Palagi pa niyang pinapagaang ang loob ko.

"Ayos lang ako, Brix." sabi ko lalo na nang makita ko sina Tiago at Katarina na parating.

"Hey, love birds! Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ha?" bungad ni Katarina kaya doon napatayo si Brix para tignan ang dalawa. Napatingin ako kay Tiago na seryosong nakatingin sa akin. Napayuko ako dahil alam ko na ang iniisip niya.

"Kinakumusta ko lang si Lucy, matamlay, e." sabi ni Brix.

"Ha? Baka may sakit ka? Uminom ka ba ng gamot, Lucy?" nag-aalang tanong ni Katarina habang nakahawak sa braso ni Tiago.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon