Kabanata 27
"Hindi pa namin masabi kung ano ang effect ng nangyari sa kanya. Hangga't hindi siya nagigising ay hindi pa namin malalaman. Sa ngayon ay mananatili si Tiago sa ICU hanggang bumuti ang lagay niya." sabi ni Doc Hammer na kinalumo namin.
"Jusko! Sana ay walang epekto ito sa kanya. Hindi ko makakaya na may mangyari pang masama sa kanya."
Napaangat ako ng tingin at napatingin ako kay Mum na umiyak. Agad na inalalayan ni Hercules ang Mum niya kaya napayuko muli ako. Sobra akong nanlalata. Kung hindi ko hinayaan si Tiago mag-isa ay hindi mangyayari sa kanya ito.
Lumapit ako sa salamin at napahawak doon habang nakatanaw kay Tiago na may nakakabit na mga dextrose at iba pang kumokonekta sa machine. Napaluha ako at napapikit. Hindi ko siya kayang makitang nagkakaganyan..
Umalis sila Mum dahil nais na makausap pa ni Doc Hammer tungkol sa mga gagawin kay Tiago. Ako ang naiwan rito at kahit na magbantay pa ako ng matagal ay ayos lang, marinig at makita ko lang na ayos na si Tiago.
Ngunit tumagal na nang ilang linggo ay nanatili pa rin si Tiago sa ICU. At hindi na siya pinakita sa amin dahil masyado daw pinoprotektahan sa anu mang virus si Tiago.. Naiintindihan namin iyon ngunit nag-aalala na kami sa tunay na sitwasyon ni Tiago. Wala pa rin sinasabi si Doc Hammer. Basta kapag may progress na ay babalitaan na lang daw niya kami.
Napatingin ako kay Mum na nasa nurse station. Umalis lang ako sandali sa labas ng ICU dahil nais kong umuwi muna para tignan si Iron. Agad na lumapit ako rito at nang maramdaman niya ako ay napatingin siya pero nagtaka ako ng umiwas siya.
"Mum, kumukuha po ba kayo ng gamot ni Tiago? May ibang kailangan pa po ba si Tiago?" tanong ko.
"Wala na. Umuwi ka na at asikasuhin mo si Iron. Pinauwi ko na sina Miracle, pero baka hindi kayanin alagaan ng mga bata ang apo ko."
Napatango na lang ako at napatingin rito na agad umalis. Hindi ko alam kung bakit naging malamig si Mum. Tiyak akong may sinabi si Katarina rito kaya naging gano'n ang trato ni Mum sa akin ngayon. Nung mga nakaraan naman ay hindi pero mula nang may ibulong si Katarina dito ay biglang umiiwas si Mum sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako dahil hindi niya ako pinapansin. Wala din akong makausap kapag magbabantay kami ni Katarina at Mum kay Tiago.
Napahinga ako ng malalim at naisipan kong umuwi na. Hindi na ako nagpaalam dahil tiyak si Mum na ang magsasabi no'n. Gusto ko pa sanang alagaan si Tiago, pero naisip ko si Iron, hindi pa ito umiinom ng gatas niya.
Pag-uwi sa bahay ay naabutan ko si Miracle na inaalagaan si Iron. Napangiti ako na lumapit.
"Miracle, salamat sa pagbantay sa anak ko." sabi ko kaya napatingin siya.
"Of course aalagaan ko ang pamangkin ko. Anak siya ni Kuya kaya no big deal." mataray niyang sabi.
Napahinga ako ng malalim, "Miracle, bakit pakiramdam ko ay may galit ka sa akin? May ginawa ba akong masama sa 'yo? Wala kasi akong maalala." hindi na ako nakatiis. Ayoko na napapaisip kung bakit biglang nanlalamig ang mga tao sa paligid ko. Kailangan ko pa rin na makasundo sila dahil pamilya sila ni Tiago.
"I'm not mad at you." aniya.
"Kung hindi ka galit, bakit pakiramdam ko ay malamig ka makitungo sa akin? Dahil ba sa inagaw ko ang Kuya mo kay Katarina?"
Tila nainis ko siya kaya hiniga niya sa baby cage si Iron at tumayo siya.
"Yes, I'm mad at you because you steal my man!"
Nagtaka ako sa sinabi niya, "Ano? Hindi kita maintindihan."
Huminga siya ng malalim, "Wat ever." aalis dapat siya ngunit agad ko siyang pinigilan.

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...