Kabanata 1
NAKASUOT ako ng isang dress na pinasuot sa akin ni Mama Che. Isang hapit na hapit, makintab, at maikling dress habang naka-boots ako na itim. Hindi ko gustong isuot ito dahil pakiramdam ko ang laswa. Inayusan din ang buhok ko na kinulot habang ang mukha ko ay makapal na make-up ang nilagay na halos hindi ko makilala dahil tila sinadyang gawing matured ang itsura ko. Ang kutis ko ay lalo pang pumuti at ayaw pa nga ni Mama Che na magbilad ako sa araw dahil sayang daw ang pagpapa-derma ko. At talagang tinupad ni Mama Che ang sinabi niya, dahil pinag-aral na niya ngayon si Louis sa elementary. Tinuring ko na talagang kapatid si Louis kaya sobrang saya ko kapag ihahatid siya sa school niya.
Sixteen na ako ngayon kaya natatakot ako dahil hindi ko inaasahan na dito ako dadalhin sa isang lugar na madilim, mausok, at maraming lalake na umiinom.
Takip ako ng takip ng katawan ko kasi hindi ko talaga kaya ang suot ko ngayon. Nakatayo ako sa isang sulok habang sinabi ni Mama Che na panoorin ko raw ang gagawin ng mga alaga niya.
Nung una hindi ko maunawaan pero nang may biglang tugtog na tumunog ay napamaang ako. Dahil parang malaswa lalo na nang mag labasan ang matatanda sa akin na mga babae na halos kita na ang kanilang pribadong katawan.
Napatingin ako sa mga costumer na mga nakatutok sa pagsasayaw ng mga babae. Naghihiyawan sila na tila pambabatos ang sinasabi. Napatingin ako sa mga babae na bumaba ng stage. At hindi ko makayanan ang nakita ko na kumandong si babae sa lalake at gumiling. Pinapahawak pa nila ang private parts nila sa lalakeng sinasayawan nila. Gusto kong umatras pero napahinto ako ng may matigas na katawan akong naatrasan. Agad na lumayo ako doon at hinarap 'to, nakita ko ang isang lalake na tingin ko mga nasa bente syete ang edad. Tinignan ako mula ulo hanggang paa habang may nakabusal na sigarilyo sa bibig niya.
"Mukhang bago ka rito.. Anong pangalan mo, Miss?"
"Hindi po.. Excuse me.."
Agad na nilagpasan ko sila. Napahinto pa ako dahil may lumapit na mga lalake rito na mga mukhang sanggano. Hindi ko sila kilala pero pakiramdam ko delikado sila. Mabilis na naglakad ako palayo doon baka mamaya kung ano ang gawin sa akin ng mga iyon.
"Nandito ka lang pala, Lucy."
Napahinto ako at napatingin kay Mama Che na tila stress na stress sa paghahanap sa akin.
"Mama Che, ano po bang gagawin ko rito? Para pong hindi maganda dito."
Gusto ko nang umuwi, pero alam ko na hindi papayag si Mama Che.
May kinuha siya sa bag niya na sigarilyo at lighter. Sinindihan niya 'yon at sinubo bago hinithit at binuga ang usok.
"Dito ka mag tatrabaho. At sanayin muna ang sarili mo dito dahil ayoko ng hiya-hiya."
"Ho? Pero ano pong gagawin ko rito?" hindi niya ako sinagot at nakatingin siya sa mga babaeng nagsasayaw kaya napalunok ako, "Mag sasayaw din po ba ako kagaya nila?"
"Exactly."
Para akong binuhusan ng malamig. Naglakad si Mama Che kaya agad na sinundan ko siya.
"Mama Che, iba na lang po ang ipagawa n'yo sa akin, 'wag lang po 'yon."
"Pumunta ka na sa likod at susunod ka na mag-perform. Huwag na huwag mo akong papahiyahin, Lucy.." huminto siya kaya napahinto din ako. Humarap siya kaya napalunok ako, "Tandaan mo na marami kayong utang sa akin na dapat bayaran. Kung ayaw mong sumunod, ang kapatid mong si Louis ang ipapalit ko sa 'yo. Hindi ko na din siya pag-aaralin, gagawin ko na lang siyang dancer rito para pakinabangan ng mga bakla."
Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Tumalikod na muli siya at iniwan akong natigilan. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi ko inalam ng husto ang kapalit ng nais niya. Tuloy, dahil sa ginawa ko ay maaari pang mapahamak si Louis. Nagpahid ako ng luha at mabagal na humakbang. Kaya pala niya ako parati pinagpa-practice ng magaslaw na sayaw ay dito niya ako pasasayawin.
BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Fiction généraleLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...