Kabanata 10

21.6K 771 88
                                    

Kabanata 10

Walang patid ang pag-iyak ko habang pauwi ng maynila. Hindi ko na hinanap pa sila Nay Maria at agad na akong umalis doon dahil baka magtaka sila kung bakit ako umiiyak. Tinext ko sila para sabihin na pasensya at umalis na ako. Dinahilan ko na lang na kailangan agad ako sa trabaho kaya hindi na ako nakapagpaalam.

Mugtong-mugto na ang mga mata ko hanggang pauwi ng bahay. Wala akong gana sa paglalakad habang palapit sa apartment ko.

Pumasok ako sa loob at napasandal sa pinto. Napahagulgol na ako ng iyak na kanina ko pa pinipigilan. Ayoko kasing humagulgol sa mga kasabay kong pasahero na maaaring makakita.. Ayokong kaawa.. Hindi ko lang talaga mapigilan dahil hindi maaalis sa isip ko ang eksena na aking nasaksihan..

Ikakasal na pala siya at ang nakakagulat ay anak pala siya ni Miss Nicole. Ang lapit lapit lang pala ng taong nag-uugnay sa kanya, pero sa araw ng engagement pa niya ko siya makikita.

Nanginginig ako kanina habang tumatakbo paalis ng bahay nila. Ang bigat bigat ng loob ko dahil sa sakit na nararamdaman. Para bang hiniwa-hiwa ang puso ko at nilamutak. Para akong nahulog sa isang mataas na building at namatay.

May mahal na siyang iba at malapit na silang ikasal. Para pala akong tanga na naghintay sa wala. Akala ko tunay ang pagmamahal niya pero hindi pala.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Sa higaan ay naupo ako at naisip muli ang itsura ng babaeng pakakasalan niya.

Napakaganda at halata ang kadesentihan sa awra ng babae. Mukha din siyang mayaman at may pinag-aralan. Para tuloy akong nanliit sa sarili ko. Tinignan ko ang paligid ko at suot ko, malayo sa babaeng pakakasalan niya.

Hindi ko alam ang gagawin na ngayong nakita ko na siya.. Ayokong magpakita dahil ayokong sa harap niya pa mismo ay magmukha akong kawawa. Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Kung bakit hindi niya tinupad ang pangako niya. Yumaman lang siya ay kinalimutan na niya.

Para akong tanga. Tanga na hinahanap pa siya kung saan-saan nang halos dalawang taon. Umaasa na balang araw kapag nagkita kami ay magbabalik ang dati, pero mukhang malabo na 'yon ngayon, dahil kahit magkita pa kami ay mayroon na siyang babaeng mahal ngayon.

Nag-ring ang cell phone ko at nakita ko na si Nanay Maria ang tumatawag. Tinuyo ko ang luha ko at tumikhim ako para ayusin ang boses ko. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag.

"Lucy anak, bakit naman umalis ka na lang bigla? Kakararing lang natin ay agad kang sisibat. Hindi mo tuloy nakita ang apo ko."

Nanubig ang mga mata ko sa pagbanggit niya kay Louis. Pero pinigil kong mapaiyak dahil baka malaman pa ni Nay Maria at mag-alala siya.

"Pasensya na po, Nay, emergency po kasi. Nahihiya nga po ako at hindi nakapagpaalam sa inyo."

Napabuntong-hininga siya, "Ano ba naman 'yang pinagtatrabahuan mo. Alam ng wala kang pasok ngayon ay pinapapasok ka pa."

"Pasensya na po talaga, Nay. Babawi na lang po ako sa susunod."

Ang hirap pa lang pasayahin ang tono mo kahit sa loob-loob mo ay nahihirapan.

"Sayang at hindi mo nakilala ang apo ko at mapapangasawa niya. Napakabait pala ng babae at alam mo ba na nagkakilala pala sila ni Tiago sa isang event. Ambassador pala ng isang animal welfare si Katarina at may-ari ng isang company ang pamilya niya.. Napakabait na bata kaya nga botong-boto agad kaming apat kay Katarina."

Napakagat ako ng labi at bumigat ang hininga ko habang pinapakinggan ang masayang tono ni Nay Maria habang kinukwento kung gaano nila kagusto at kabait si Katarina. Kahit ang sakit-sakit pakinggan ay tiniis ko para lang huwag silang makahalata.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon