Kabanata 30
Hindi ako makapaniwala. Gano'n ba ang galit ni Kuya sa Esteban para gawing asawa ang kadugo ng kaaway niya.. Hindi ko siya maintindihan. Galit siya sa mga Esteban pero pinakasalan niya ay isang Esteban.
"Kuya!"
Ayaw niya akong sagutin kung Esteban ba ang babae. Nilayasan ako ni Kuya. Humaharurot na ang kotse niya na nakita ko. Napahinga ako ng malalim. Hindi naman kami lumaki na magkasama kaya hindi ko kailanman mababasa ang kinikilos, iniisip, at pag-uugali ni Kuya. Hindi ko alam kung totoo bang kinidnap niya ang Tita ni Tiago o hindi isang Esteban ang babae.
Bumalik ako sa loob at hihintayin ko na lang na makabalik muli siya. Hindi ko hahayaan na gumawa siya ng masama. Baka mamaya ay sinabi niya lang iyon pero ang totoo ay may ginawa siyang masama sa tita ni Tiago.
Pinatulog ko si Iron at habang naghihintay na makabalik si Kuya ay hindi ako mapakali. Sumapit na ang gabi pero hindi pa siya nakakabalik.
"Madame, matulog na po kayo, ako na po ang maghihintay kay Sir." sabi ng kasambahay.
"Ayos lang sa 'yo?" sa totoo lang ay inaantok na ako, pero hindi ko magawa pumanik sa taas kanina pa dahil ayokong palagpasin na makausap si Kuya.
"Opo."
Napahinga ako ng malalim at walang magawa kundi ang tumayo habang buhat si Iron na tulog na sa bisig ko. Tila hindi ata uuwi si Kuya, dahil ginawa niya rin iyon nung mga nakaraang araw. Bumaling ako sa kasambahay na naupo sa sofa.
"Ya.." tumingin siya sa akin, "matulog ka na rin, baka hindi umuwi si Kuya."
"Sige po, madame."
Tumalikod na ako at pumanik sa taas. Hiniga ko sa kama si Iron at saka ako nahiga sa tabi nito. Nilagyan ko ng harang si Iron sa gilid nito para hindi mahulog. Napabuntong hininga ako at nag-unat-unat. Pumikit na ako at dahil din siguro sa sobrang antok ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising lang ako ng parang lumutang ako. Napadilat ako at napatingin sa taong may buhat sa akin..
"Tiago!"
"Sshh.." suway niya sa akin at hinalikan ako bigla sa labi.
"A-Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat ako, "paano ka nakapasok?" tanong ko pa.
Napatingin ako sa likod niya at nandoon si Iron kung saan nakalagay sa baby carrier.. Hindi ko akalain na agad na mabibitbit niya kami.
"I have my ways, Lucy. Huwag ka nang maingay at baka marinig pa tayo ng pulpol na tauhan ng lalakeng iyon."
"Ibaba mo nga ako." inis kong sabi.
"Hindi, iuuwi ko na kayo, hindi ko maatim na nandito ka sa bahay ng lalakeng iyon."
Napatitig ako sa kanya. Nais kong sabihin na kapatid ko si Aliásar, pero parang gusto kong isipin niya na hindi. Na pang karaniwang lalake lamang si Kuya sa buhay ko para pagselosan ni Tiago.
Binitbit niya kami at doon pala siya sa veranda dumaan.. Gusto kong ibaba niya ako pero mapilit siya kaya napapikit ako at napakapit sa kanya ng mahigpit dahil pababa kami sa hagdan at baka mahulog kami.
"Relax, hindi ko kayo hahayaan na masaktan." Napadilat ako at napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya. Mapait na ngumiti siya at nang makababa kami ay tumingin siya sa akin, "I'm sorry kung puro kagaguhan ang ginawa ko sa 'yo. Alam ko na hindi enough ang lahat ng sorry sa ginawa ko, pero bigyan mo pa ako ng chance at pangako na hindi ko na uulitin lahat ng katarantaduhan na ginawa ko."
Napahinga ako ng malalim, "Kahit naman na sinaktan mo ako ay mahal pa rin kita, Tiago. Pero ang Mum mo ay galit sa akin at mas lalong hindi matatapos ang gulo sa pagitan natin dahil magkagalit ang pamilya natin."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Fiction généraleLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...