Kabanata 12

21.3K 858 298
                                    

Kabanata 12

Bago sana umalis ay nais ko sanang magpaalam kay Megan at alamin kung nakauwi na siya, ngunit sarado pa rin ang apartment niya at nag-aalala ako na baka may hindi magandang nangyari sa kanya. Pinangako pa naman namin sa isa't-isa na tatakasan ang bibili sa amin, ngunit dahil sa biglang pagsulpot at pagbili sa akin ni Louis ay nakalimutan ko siya.

"Lucy, wala naman ata ang kaibigan mo d'yan. Tara na at parating na ang susundo sa atin."

Tumingin ako kela Nay Maria na hinihintay ako sa tapat ng apartment ko, kaya tumango ako at tinigilan na ang pagkatok sa pinto ni Megan.

Lumakad na kami habang dala ang bag na laman ang damit ko. May dala din sila Nay Maria ngunit magaan lang, ayoko na silang pagbuhatin ng mabigat sa dala ko.

"Sino nga po pala susundo sa atin?" tanong ko ng huminto kami sa labas ng bakuran ng apartment.

"Ang apo namin. Hindi namin akalain na narito rin pala si Tiago, binanggit lang ni Nicole sa text. Kaya ayon, nagpasundo kami dahil mahihirapan tayong mag-commute ng ganitong oras."

Para akong hindi makahinga sa sinabi nila. Bago pa ako makapagsalita ay may malakas na ilaw na tumama sa amin. Nasisilaw pa ako pero nang huminto na ang isang mamahaling kotse ay bigla akong kinabahan at hindi mapakali.

"Oh, narito na pala." sabi ni Nay Maria at inaya ako.

Para akong nabibingi at 'yung tibok ng puso ko ang mas nangingibabaw ngayon. Bumaba siya ng sasakyan at iyon pa rin ang suot niya kanina. Lumapit siya sa amin at nagmano siya kela Nay Maria. At dahil magkalapit kami ni Nay Maria kaya napatingin siya sa akin ngunit sandali lamang tila ba ako hangin lang na dumaan sa harap niya.

Napalunok ako dahil naalala ko pa rin ang nangyari kanina. Ganito pa rin ang trato niya sa akin kahit sa harap nila Nay Maria. Para bang hindi niya ako kilala.

"Apo, pasensya na sa istorbo at ikaw pa ang pinapunta ng ina mo. Masyado na kasing gabi para bumalik sa Pampanga kung mag-commute lamang kami." sabi ni Nay Rosas.

"It's nothing, Lola. Let's go."

Tinulungan niya ang matatanda na sumakay sa sasakyan niya. At dahil four seaters sa gitna kaya kasya ang apat na sina Nay Maria. Naiwan ako kaya ambang lalapit ako doon sa unahan ng maunahan ako ni Tiago para mapahinto.

"Sa likod ka na."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pumunta siya sa likod at binuksan pataas ang pintuan doon. Huminga ako ng malalim at sumunod para sumakay. Tumingin ako sa kanya pero sa iba siya nakatingin kaya sumakay na ako at nilapag ang bag ko sa upuan.

Tinignan ko pa si Tiago at nagkatinginan kami pero sinara na niya ang pinto.

"Narito ka rin pala, Hija."

Napatingin ako kela Nay Maria ng magsalita siya. Nakatingin sila sa harapan nila kaya tinignan ko ang tinitignan nila.

"Opo, pasensya na po at hindi ako nakapagmano."

Si Katarina.

Parang may nagbabara sa lalamunan ko at dibdib ko. Kaya pala hindi ako hinayaang pasakayin ni Louis sa harapan dahil kasama pala niya si Katarina.

Mabuti madilim sa gawi ko kaya hindi nila makikita ang reaksyon ko. Parang gusto kong bumaba dahil para akong tino-torture sa nakikita ko.

"Ayos lang, Hija. Kaya naman pala narito ang apo namin ay narito ka pala." si Nay Maria.

Umandar na ang kotse at nakatingin ako kay Katarina na nakalingon sa matatanda. Ang ganda niya at mukha siyang mabait. Napakasimple niya pero mukha pa rin siyang mamahalin at desente.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon