Kabanata 14

21.5K 876 194
                                    

Kabanata 14

Hindi ko alam kung bakit ba ako nandito ngayon?

Nasa lugar ako ng Jara kung saan ko nakita ang lalake kahapon. Dito ako nagpunta baka sakali dito tumatambay ang lalake. Nahihiya kasi ako na pumasok sa hotel dahil baka pagtinginan ako, hindi naman ako sanay pumasok sa mga ganitong klase na lugar.

Hindi ko alam bakit ako inaalok ng lalake na agad na maging sexy--este secretary niya, kung gayong unang beses pa lang naman namin nagkita kahapon. Tiyak din akong hindi niya ako namumukhaan nung bachelor party.

Tumingin ako sa puno na napakaganda ng pagkakatubo. Malusog ang ugat at malago ang mga dahon. May nalalagas pa nga na mga tiyot na dahon na nahuhulog sa magandang damo pero hindi nakakabawas 'yon kung gaano kaganda ang lugar na ito. Tahimik at mahangin dito. Ang sarap lang tambayan habang nagmumuni.

Sumandal ako sa pader habang nakahawak sa shoulder bag ko. Napatingin ako bigla sa damuhan at napakuno't noo ako ng may nakita akong laruang kotse na papunta sa gawi ko. Nabigla ako ng huminto ito sa harap ko. Nag-transform ito bilang transformer na robot. Napamaang ako pero napakuno't noo muli ng makakita ako ng tila papel na nakaipit doon. Sa kuryosidad ay tumingin muna ako sa paligid bago dahan-dahan na maupo at abutin 'yung sulat sa laruan, pero nabigla ako ng umatras ito kaya napahinga ako ng malalim at hahablutin ko sana ng umatras na naman ito.

Napatingin ako sa paligid dahil baka may naglalaro lang sa akin, pero wala namang tao. Tinignan ko muli ang laruan at inabot pero gano'n pa rin. Hinabol ko ito at naiinis na ako dahil hindi ko siya makuha dahil panay ang atras niya. Hindi ko tuloy namalayan na wala na ako sa lugar kung saan ako naghihintay. Napahinto lang ako ng may mga paang hinintuan ng laruan.

Dahan-dahan akong tumayo at nagulat dahil bumungad sa akin ang lalake kahapon at ang masama ay kasama niya si Louis at Katarina. Nakasandal sa kotse niya ang lalake, habang sina Louis at Katarina tila kakababa lamang sa kotse at nilapitan ang lalake.

"Oh! Lucy. ." gulat na sabi ni Katarina.

Umayos ako ng tayo at naguluhan na rin, pero mas lamang ang kaba ko ng mapatingin ako kay Louis na tila hindi gusto na makita ako.

"What are you doing here?" matigas niyang tanong.

Bumuka ang bibig ko pero parang walang lumalabas na boses kaya napalunok ko.

"Oo nga. Mamasyal ka ba rito, Lucy?" nakangiting tanong ni Katarina habang nakahawak sa braso ni Louis.

"H-hindi. . Ano kasi. . " tumingin ako sa lalake na may subong lollipop habang may hawak na controller. Yumuko siya para abutin ang laruan.

Hindi ako makapaniwala na siya ang nagpapagana no'n. Pinaglalaruan ba ako nito? Dahil hindi nakakatuwa.

"Hanep nito. Latest edition ito, Pre. Kayang pasunurin ang magandang dilag," nagsalubong ang kilay ko at nainis rito. Balak ko sanang magpaalam na lang dahil pinaglalaruan lang ako ng lalakeng ito ngunit nagsalita pa ito para mapatigil ako, "oo nga pala, Pre. Siya ang bago kong sexytary. 'Di ba, Miss? Ano nga ba name mo?"

Tumingin ako kela Louis na nagulat lalo na si Katarina.. Medyo lumapit ako sa lalake para magsalita at para siya lamang ang makarinig.

"Lucy. Aalis na ako dahil pinaglalaruan mo lang ako." bulong ko.

Natawa siya kaya lalong napakuno't noo ang dalawa. Nahiya na ako sa pinaggagawa nito. Tumalikod na ako dahil sobra-sobra na ang pagkahiya ko, pero napatigil ako ng hawakan ako nito sa bag ko. Gulat na nilingon ko siya.

"Brix, ano bang pinagsasabi mo? Tumatanggap ka ng empleyado ng walang approval ko?" salubong ang kilay na sabi ni Louis.

"Pre, don't worry, sagot ko ang salary niya. Nahihirapan na kasi ako maging sexytary mo."

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon