Kabanata 25

23.5K 812 166
                                    

Kabanata 25

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng nalalaman ko, pero siguro ay isasantabi ko muna 'yon dahil hindi naman nanggugulo sila Katarina at Brix.

Naupo ako sa sofa at napatingin sa paligid ng bahay. Hindi ko akalain na makakaapak pa muli ako rito sa bahay nila Tiago. Siguro nga masyado akong malambot para agad na sumama at patawarin siya, pero isinantabi ko na lahat dahil kahit pagbalik-baliktarin pa ang sitwasyon ay ama siya ng anak ko na kailangan ng ama at kailangan niya ng tulong ko kaya sino ba ako para hindi siya tulungan. At mahal ko pa rin siya at hindi ko siya kayang nakikita na nagdurusa.

"Good job, Mr. Tiago." sabi ng therapist niya na tinuturuan siya kung paano niya makakabisado ang buong bahay nila para makapaglakad siya gamit 'yung stick.

"Meryenda ka muna, Lucy." napatingin ako kay Miss Nicole na naglapag ng meryenda sa lamesa at naupo sa isang sofa at napatingin kay Tiago.

"Salamat po."

Inayos ko ang pagbuhat sa anak ko na natutulog sa bisig ko. Kinuha ko ang isang baso ng fruit shake na gawa ni Miss Nicole. Masarap siya at ayos na ayos dahil nauuhaw talaga ako.

"Mabuti naman at pare-pareho na kayong nakaka-recover sa sugat. Sana ay gumaling ng tuluyan si Tiago at sana manumbalik pa ang paningin niya."

Nilapag ko sa lamesa ang baso at hiniga ko si Baby sa tabi ko. Malambot naman ang sofa kaya comfortable siya, inaalalayan ko na lang.

"May pag-asa pa po bang makakita si Tiago?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at napahinga ng malalim.

"Sabi ni Hammer ay 50 percent na oo at hindi. Susubukan daw niyang makahanap ng solusyon at donor na match sa mata ni Tiago. Sa ngayon ay kailangan na tulungan natin si Tiago na gabayan sa lahat ng galaw niya habang hindi pa siya nakakakita. Sana ay makakita siyang muli, dahil ayokong habang buhay siyang ganyan.."

Tumango ako at napatingin kay Tiago na pursigido sa pagkakabisado sa bawat parte ng bahay.

"Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po lahat para matulungan si Tiago."

Tumingin siya sa akin at napangiti, "Salamat, Lucy. Patawad din kung mali ang impression ko sa 'yo dati, ha? Masyado lang talaga ako na-stress noon dahil noon lamang gumawa ng malaking problema si Tiago. Ni minsan kasi ay hindi pinapasakit ni Tiago ang ulo ko. Kaya sobra akong nagulat sa malaking eskandalong kinasasangkutan niyo."

Napayuko ako at nahiya dahil sa akin kaya sumuway si Tiago sa magulang niya. Dahil sa akin kaya nagkaproblema siya sa magulang niya. Kung hindi siguro ako nagpakita pa ay baka walang problema, pero ngayon ay sana maayos ko pa lahat.

"Hindi kita sinisisi, Hija. Siguro nga ay minsan makakagawa din ng kamalian ang anak ko, pero ngayon ay kahit papaano alam ko na alam na niya ang mga mali niya." Tumayo si Miss Nicole at lumapit sa amin, "akin na muna ang apo ko ng makapag-meryenda ka ng maayos."

Kaya binigay ko sa kanya si Iron. Iyon ang pinangalanan namin sa kanya dahil maikli lang at para hindi siya mahirapan lalo't ang kamay niya ay putol.

"Miss Nicole--"

"Mum, Hija. Simula ngayon ay tawagin mo akong Mum." nakangiti niyang baling sa akin habang enjoy-enjoy na hawak si Iron.

Ngumiti ako at hindi ko mapigilan na sumaya dahil hinayaan niya akong tawagin siyang Mum.

"Ano po, tungkol po sa kamay ni Iron.."

Tumango siya, "May nakausap na si Jace about doon. Kapag kaya na ni Iron at magaling na siya ng tuluyan ay papakabitan natin siya ng prosthetic arm."

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon