Kabanata 5

28K 729 70
                                    

Kabanata 5

DINALA AKO ng mga tauhan ni Peter sa bahay niya kung saan madalas nakikipagsugal si Peter. Dito din sila gumagamit ng bawal na gamot, kaya natatakot ako tuwing pupunta rito.

"Boss." tawag pansin ng isang tauhan niya sa kanya. Busy siya makikipagsugal sa mga malalaking tao na kapag uuwi galing opisina ay dito dumederetso kay Peter.

Napatingin sa akin si Peter at napangiti na tumayo. Hindi ko alam ang gagawin para makauwi agad. Dahil kung ako lang ay gusto ko nang umuwi kaysa makasama siya.

"Lucy, come here.."

Napipilitan na lumapit ako dahil wala din naman akong choice dahil nakabantay din ang mga tauhan niya. Paglapit ko ay agad na inakbayan niya ako na kahit gusto kong mangilag ngunit alam kong masasaktan lang ako kapag sinuway ko siya.

"Halika't maupo ka sa tabi ko. Ikaw ang swerte sa akin sa larong ito." aniya at pinaupo ako sa isang upuan na katabi ng kanya. Naiilang ako lalo't maeedad ang ilan sa nakakalaro niya na nakatingin sa akin.

"Maganda 'yang bata mo, Peter.. Saan mo siya nakuha?"

"Tama ka, Gorge, napakaganda ni Lucy.. At hindi ako mag-aksaya ng panahon kung hindi kasing-ganda ni Lucy ang pag-a-aksayahan ko ng oras.." tugon ni Peter at humalik sa balikat ko na kinakilabot ko, "sa bar ni Madam Che. Pero alam n'yo na, akin lang si Lucy."

Gusto kong mas kilabutan sa sinabi ni Peter. Pero anong magagawa ko, kundi tanggapin ang mga sinabi at ginagawa niya basta 'wag siyang lalagpas. Natawa naman sila na parang may binabalak.

"Ipagpatuloy na natin ang paglalaro.." Sabi ni Peter matapos silang pag-usapan ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil focus na sila sa nilalaro. Mabuti nga at ganito lamang ang nangyayari kapag pumupunta ako kay Peter. Mabuti nang ganito kaysa noon na gusto niya akong halikan pero umiiwas ako at gumagawa ng dahilan.

"Panalo ako!" sigaw sa tuwa ng isang kalaban sa sugal ni Peter.

"Paano ka nanalo? Nakita kong tinago mo ang isang card." mariing sabi ni Peter at binagsak ang card sa lamesa tila galit siya.

"Hoy! Huwag mo akong pagbibintangan, Peter! Talo ka kasi kaya nangbibintang ka!"

Sumama ang mukha ni Peter kaya natakot ako lalo na ng senyasan niya ang isang tauhan niya. Napatili ako at napatakip ng bibig ng biglang tutukan sa ulo ang lalake at harap-harapang binaril sa ulo. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa lalakeng nakadilat habang duguan ang ulo na bumagsak sa lamesa. Napapikit ako sa takot at napakapit ako sa pantalon ko.

"Sige, ipatapon n'yo na 'yan." kalmado lang na utos ni Peter at naramdaman ko ang pagtayo niya, "halika, Lucy."

Napadilat ako at napaiwas kay Peter ng hawakan niya ako sa pulso para itayo. Nakita ko ang galit sa mukha niya kaya nanginginig na tumayo ako. Hinila niya ako paalis doon at mas lalo akong kinabahan ng akayin niya ako sa isa sa mga kwarto.

"P-peter, anong gagawin natin dito?" nanginginig ang boses ko sa kaba na baka may gawin siya sa akin. Lalo't hindi ko pa makalimutan ang pagsaksi ko sa pagbaril ng tauhan niya sa lalakeng kalaro niya.

"Masama ang mood ko kaya gusto kong pagandahin mo."

Nang makapasok kami ay agad na hinalikan niya ako kaya nagpupumiglas ako.

"A-ayoko, Peter.. Please, uuwi na ako.."

"°Huwag ka nang pakipot, Lucy! Alam kong gusto mo rin 'to! Tatamaan ka sa akin kapag pumalag ka pa." banta niya.

"H-hindi ako pwede.. Meron ako ngayon."

Napahinto siya sa ambang paghalik sa akin. Binitawan niya ako kaya napaatras ako at tumama ang likod ko sa pinto.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon