Kabanata 8

20.6K 704 103
                                    

Kabanata 8

SABI NILA, swerte daw kapag biniyayaan ng anak.. Siya ang magiging lucky charm at inspirasyon mo. Masaya daw kapag nakita muna ang anak mo paglabas nito sa mundo. Babaguhin nito ang buhay mo. Pero bakit nangyari ang bagay na hindi ko pa nararanasan ay agad ding pinagkait sa akin.

Napaiyak ako na dumilat. Tumambad sa akin ang puting ilaw. Tumingin ako sa paligid at alam kong narito ako sa ospital.

"Hija.."

Hindi ko alam na sila pa ang makakatulong sa akin. Ang matatandang babae na nasa akin nang harapan.

"Ayos ka na ba? Mabuti at agad kang na-rescue ng coast guard. 'Yung humahabol sa 'yo ay nakulong pero 'yung bumaril ay hindi pa nila alam."

Hinawakan ng isa ang kamay ko, "Sabi ng Doctor, ginawa nila ang lahat pero wala na talaga ang baby mo."

Tumango ako habang umiiyak dahil sandaling panahon ko pa lang nalamang buntis ako, tapos sandaling mga panahon lang din ay agad din itong kinuha sa akin.

Napahagulgol ako dahil ang sakit isipin na ang pag-iibigan namin ni Louis na nagbunga ay nawala din agad.

"Kailangan mong mamalagi muna rito at 'pag mahilom na ang mga sugat mo ay maaari ka nang mag desisyon kung saan ka namin ihahatid."

Humawak ako sa kamay nito at umiling, "Huwag n'yo po akong ibabalik kay Peter. Papatayin nila ako.. Si Louis, gusto ko siyang hanapin.."

Nagkatinginan sila, "Sino si Louis?"

"Kapatid ko po."

Tumango sila, "Pero paano kung hinahanap ka nung Peter? Saka Hija, kailangan naming pumunta sa probinsya. Kung gusto mo at wala kang mauwian ay sumama ka muna sa amin. Mag babakasyon lang kami sandali sa probinsya namin. 'Yung anak ko kasi na si NicNic ay nagtungo sa ibang bansa kasama ng mga anak at asawa niya, kaya para mawala ang pagka-miss namin sa kanila ay naisipan namin mag bakasyon."

Tinignan ko silang apat at mahigpit na hinawakan ko ang kamay ng isa na nakahawak sa akin.

"Hindi ko po alam paano ko kayo mapapasalamatan. Hinding-hindi ko po ito makakalimutan. Salamat po."

Ngumiti sila at hinaplos ang buhok ko ng ale na may hawak sa akin.

"Huwag munang isipin ang ginawa naming pagtulong. Kung si NicNic ko ang nasa sitwasyon mo ay hindi namin kayang hayaan na lang."

Napangiti ako at ang swerte ko dahil sa kabila pala ng mapait na sinapit ko ay may tao din pa lang mabuti at tutulong sa akin para makaalis sa kamay ng mga taong masasama.

Gaya ng sabi nila at ng doctor, nagpagaling ako sa hospital. Nakikala ko na rin ang apat na mababait na matanda. Si Nay Mary, Nay Maria, Nay Rosalinda, at Nay Rosas. Sila pala ay mga matandang dalaga, maliban kay Nay Maria na nagkaanak daw dahil may nakabuntis lang. Nakakatuwa nga sila dahil kahit hindi pinanagutan ng lalake ay sobra na ang tuwa nila dahil nawala na raw ang sumpa. Biniyayaan si Nay Maria ng anak at ang pangalan daw ay French Nicole na ngayon ay nasa ibang bansa kasama ang anak at asawa nito na sobrang yaman daw.

"Oh, dahan-dahan.."

Inalalayan nila ako sa pag-akyat sa hagdan. Tumingin ako sa bahay nila at masasabi ko na lumang istilo pa pero napanatili nilang maayos.

"Kumuha ulit kami ng ticket para pumunta sa probinsya namin sa cebu. Hindi na sa barko at baka pinaghahanap ka doon ng walang hiyang lalakeng 'yon. Saka hihingi kami ng tulong sa asawa ni NicNic na ipakulong ang Peter ba kamo 'yon?" tumango ako kay Nay Rosalinda, "Kapag nakulong 'yon ay hindi ka na mangangamba. Tiyak din akong wala ng kawala 'yon dahil Esteban ang asawa ng NicNic namin."

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon