Kabanata 15
Napagod ako sa unang araw ko bilang secretary ni Brix, pero masaya ako dahil may natutunan ako na mga bagay na pang-opisina. Nakakatuwa at hindi ako pine-pressure agad ni Brix, bagkus ay tinuturuan pa niya ako ng marahan kung ano ang mga dapat kong gawin.
Nag-unat ako ng mga braso at napatingin sa paligid. Nauna nga pa lang umalis si Brix at hinabilin sa akin ang pag-arrange sa ilang natitirang files na aayusin namin. Ginanahan ako kaya sabi ko ay ayos lang na kahit ako lang, mukha kasing importante na makauwi siya.
Tumayo na ako at binitbit ang files. Sabi ni Brix ay ilagay ko raw ito sa lamesa ni Tiago oras na matapos ko. Kailangan ko nang sanayin na tawagin siyang Tiago, dahil nagtatrabaho na rin ako sa kanya at sabi nga niya ay huwag ko na siyang tatawaging Louis. Hindi ko alam kung narito pa siya pero siguro ay nakaalis na dahil gabing-gabi na rin.
Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok ako na dala ang mga papel. Sinara ko ang pinto at lumapit sa lamesang nakita ko. Nilapag ko doon lahat at tinapik iyon habang napapangiti ako dahil hindi ko akalain na makakagawa ako ng bagay na matino. Parang isang achievement na sa akin ito.
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa opisina ni Tiago. May ilaw pero hindi masyadong maliwanag, parang tama lang. Malaki ang buong opisina; may lamesa at upuan na kagaya ng kay Brix. Napatingin ako sa name plate sa lamesa at nakaukit doon ang pangalan ni Tiago.
Santiago Bently Esteban.
Napakaganda ng pangalan niya, malayo sa Louis na hindi ko naman noon pinag-isipan. At sa apelyido niya ay nakaukit na ata ang maganda o mayaman.
Hinaplos ko ito at mapait na ngumiti dahil natutuntungan ko nga ang kinatatayuan niya ngayon, ngunit napakalayo ng estado ng mga buhay namin. Napakataas na niya at hirap na hirap na akong abutin. At isang babae lang ang may kayang makaabot kay Tiago at alisin ang pagmamahal nito sa akin, walang iba kundi si Katarina lang. Si Katarina na malapit nang makuha ang apelyidong ito.
Tumingala ako at bumuga ng hangin. Heto na naman ako. Pilit kong sinasaktan ang sarili ko sa sobrang pag-iisip. Kahit ano pang isipin ko ay walang magbabago.
Huminga ako muli ng malalim at humarap na sa pinto para lumabas. Isang beses ko pa lang naihahakbang ang mga paa ko nang mapahinto ako at napatingin sa sofa. Napamaang ako at marahang lumapit doon.
Payapa siyang natutulog sa sofa at nakalagpas ang mga paa niya sa upuan dahil sa haba ng mga binti niya. Marahang naupo ako at tinignan siya. Kahit dito ay sana pagbigyan akong matitigan siya. Matitigan ang mukha niya ng matagal na na-miss ko. Matitigan man lang dahil sa tagal ng pagkawala niya at pagiging ilap niya sa akin ngayon.
Maganda at malago ang buhok niya, kumpara dati na semi kalbo. Maging ang kilay at pilik-mata ay gano'n din kalalago. Ang mga mata at ilong niya ay ganoon pa din kaakit-akit. Napangiti ako kapag naaalala ko kung paano kumibot ang mga ito kapag pinipingot ko siya. Napailing ako sa alaalang iyon. Napatingin ako sa labi niya at hindi ko mapigilang marahang haplusin. Napakalambot at mukha talaga siyang mapangahas dahil dito.
Bigla akong kinilabutan ng maalala ko kung paano niya ako halikan. Inalis ko ang daliri ko at nagulat ng marahan siyang dumilat.
"Anong ginagawa mo?" malamig niyang tanong.
Kumabog ng sobra ang dibdib ko at napatayo ako. Hindi ako mapakali dahil nahuli niya akong tinititigan siya at hinahaplos ang labi niya.
"A-ano. . P-pasensya na at na-istorbo kita. A-aalis na ako."
Hinakbang ko na ang mga paa ko para umalis pero napasinghap ako ng pigilan niya ako sa braso. Tumayo siya at tinignan ako ng seryoso kaya mas lalo akong kinakabahan habang pilit kong kinukuha sa kanya ang braso ko ngunit napakahigpit ng hawak niya.

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...