EPILOGUE - HIS POV
Dumating na ang mga ambulansya. Ingay ng mga tao, sasakyan, at tunog ng ambulansya ang nangingibabaw. Pero kahit na nanghihina ako ay umiiyak na niyakap ko ang mag-ina ko. Balot ng dugo ang buong katawan namin at walang malay ang mag-ina ko.
"Sir, bitawan niyo po sila para agad na malunasan." sabi ng rescue.
Binitawan ko sila at agad na kinuha sila sa akin. Agad na inalis ako ng mga rescue sa sasakyan at doon ko naramdaman ang kirot sa katawan ko. Napatingin ako sa mag-ina ko at pilit kong inaabot ang kamay ni Lucy habang magkatapat ang kinahihigaan namin dito sa loob ng ambulansya.
Takot ang lumukob sa akin. I don't want to lose them. They are my life. Makita na ganito ang itsura ang mag-ina ko ay para akong dinudurog. Para akong lalong nanghina. I want to sleep but I don't want. I'm scared if I close my eyes they leave me. Alone with full of regrets.
"M-Mama.."
I remember. I was memerized when I saw her face. I thought she's my real mother. But all my questions are solve when I found out that she's not my real mother. Everything is fine.. Until I realized that I desire her and I love her not just a mother but a woman that I want to be my wife.
Nagsimula ang lahat ng mag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Maalaga siya at kahit na pingot ang palagi kong natatanggap kapag gumagawa ako ng kalokohan ay para sa akin lambing niya iyon.
Akala ko noon ay pagtingin na bilang ina dahil siya ang nagpalaki sa akin, pero hindi pala. Kaya pala tuwing pinag-uusapan siya ng mga lalake sa baryo namin ay naiinis ako.
"Huwag niyong pagpapantasyahan ang Mama ko, kundi sasamain kayo sa akin." banta ko sa mga tambay na medyo kasing laki ko.
"Lah! Pinagpapantasyahan daw." tumawa sila Lloyd kaya napikon ako, "pinag-uusapan lang namin ang sinabi ng mga nanay namin sa Mama mo. Pokpok daw mama mo."
Napakuyom ako ng kamay at sinugod siya. Sinuntok ko siya at gumanti siya. Pinagtulungan ako ng barkada niya pero dumating ang barkada ko kaya sumibat sila patakbo.
"Mga gago'ng 'yon! Angas awayin ka, Louis." sabi ni Jensen.
"Salamat mga Pardz." sabi ko kela Jensen, Pipe, at Mikel.
"Walang anuman, Pardz. Bakit ba inaaway ka ng mga iyon?" tanong ni Pipe habang naglalakad na kami pauwi.
"Binabastos kasi nila si Mama." galit kong sabi at napakuyom ako ng kamay.
"Bakit? Ano bang sinasabi nila sa Ate mo?"
Alam nila na Ate ko si Mama kahit na Mama ang tawag ko rito.. I don't want them to think that she's my Mother.. Ayos na ang Ate para pwede pang patusin.
"Pokpok daw."
Napatango sila, "Balita nga iyon. Pero alam mo naman mga chismosa sa baryo natin, kapag maganda ka at sexy ay pokpok na. Palibhasa mga nagmamantikang baboy na mga kulang-kulang ang ngipin sa harap ng mga nanay nilang chismosa"
Natawa ako sa sinabi ni Jensen. Binatukan namin ito at napatingin kami kay Tanod Popoy ng pumito ito.
"Kayo ba ang nakitang nakikipag-away?" tanong nito.
"Ako lang." sabi ko dahil baka madamay pa ang barkada ko.
"Naku! Talagang mga kabataan nga naman. Napuruhan ka?"
Umasik ako rito kaya pinalo ako nito ng batuta sa ulo na kinasama ko ng tingin.
"Totoy, huwag mo akong ginaganyan. Papunta ka palang pabalik na ako. Tignan mo, ikaw ata naagrabyado.. Putok ang labi mo."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
Genel KurguLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...