Simula

29.4K 763 36
                                    

Simula

"BILI na po kayo sampaguita! Sampaguita kayo d'yan!"

"Ang ganda mo namang bata. Bakit nagtitinda ka lang ng sampaguita? Sayang ang kutis mo."

May lumapit sa aking lalake at mukha siyang manyakis kaya tumakbo ako palayo rito. Hingal na hingal na naupo ako sa upuan ng simbahan at napatingin sa mga poon.

Kung hindi ako mag titinda, wala akong kakainin. Kung sana lang ay umuuwi si Mama. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kahit na hindi maganda trato niya sa akin ay mahal ko siya at nag-aalala ako sa palagi niyang paglisan sa bahay.

Gusto kong mag tanong din sa diyos na pinagdadasalan ng lahat na naririto. Gusto kong mag tanong kung bakit hindi pa umuuwi si Mama. Miss na miss ko na siya at sana umuwi na siya.

Lumabas ako ng simbahan ng makita ko na tila wala na 'yung lalakeng manyak. Bitbit ko pa rin ang mga tinda kong sampaguita. Sana ay makabenta ako para may ipakain ako kay Joshua, kapatid ko. Isang taon pa lang ito kaya minsan ay naiinis ako kay Mama kasi ang bata pa namin. Wala man lang mag asikaso sa amin at mag alaga. Natutunan ko rin ang pagtitinda nang sampaguita ng makaramdam ng gutom. Kesa hintayin si Mama ay naghanap na lang ako ng pambili. Nagpunta ako kela Aling Lilybeth para kumuha sa kanya ng sampaguita na ititinda ko.

Naghintay ako na mag labasan ang mga nag-simba bago ko sila lapitan. Sa dami nang nagtitinda dito sa quiapo ay marami na rin akong ka-kumpetensya.

Nakita ko ang isang Lola kaya lumapit ako rito habang nakangiti.

"Bili na po kayo sampaguita ko. Sampo lang po."

Ngumiti ito at tingin ko ang ganda-ganda pa rin niya kahit matanda na.

"Magkano ba lahat 'yan, Hija?"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mapigilang magalak.

"500 po ito, Lola. 50 piraso po lahat ng sampaguita."

Nakita kong dumukot siya sa dala niyang bag kaya napangiti ako.

"Heto isang libo. Bilin ko na lahat."

"Ay! Wala po akong panukli d'yan, Lola. Wala po akong ganyang pera. Hindi pa rin po kasi ako nakakabenta."

Ngumiti lamang ito, "Sa 'yo na ang sukli." aniya at hinaplos ang ulo ko.

Nanlalaki naman ang mga mata ko sa tuwa pero agad na naka-recover ako at nilagay sa plastick na dala ko ang lahat ng sampaguita ko.

"Salamat po.."

"Walang anuman, Hija. Sige, kami ay aalis na."

Nag-alangan man ako pero pinigil ko siya sa braso kaya napatingin muli siya sa akin.

"Ano po.. Kapag mag simba po kayo ulit ay bilhan n'yo po ulit ako."

Natawa ito, "Oo ba.."

Natuwa naman ako at kumaway rito ng may humintong kotse sa harap namin at sumakay siya. Napakabait naman no'n.

Napatingin ako sa pera at agad na binulsa. Tumatalon ako pauwi dahil hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko. Makakabili ako ng pagkain namin na masarap. Agad na umuwi ako sa bahay namin at lubos pa ang naging tuwa ko ng maabutan ko si Mama.

"Mama!"

Agad na tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap sa likod niya. Agad naman akong napabitaw ng alisin niya ang yakap ko.

"Aalis ako. Huwag na huwag mong sasabihin sa iba na iniwan ko lang sa 'yo ang batang ito."

Napatingin ako sa batang lalake na kaedad ni Joshua. Umiiyak ito kaya agad na lumapit ako rito.

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon