Kabanata 16
Hindi ako mapalagay dahil nasabi ko kay Tiago ang tunay na dinanas ko. Iniisip ko kung ayos lang na sinabi ko sa kanya. Pero hanggang ngayon ay nasasaktan ako dahil hindi siya naniniwala. Hindi pa rin lumambot ang puso niya mula ng sabihin ko 'yon. Siguro nga wala na talaga siyang pakialam sa akin, sa baby namin.
Bumangon ako ng higaan. Umuwi agad ako dahil ayokong malaman ng mga tao sa Jara na umiyak ako. At ayokong malaman nila na dahil kay Tiago.
Lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig, ngunit napahinto ako ng maulinag ko ang boses nila Nay Maria sa sala kaya nagpunta ako doon. Napahinto ako ng malaman kung sino ang kausap nila.
"Lucy, mabuti at lumabas ka na ng kwarto."
Si Nay Mary ang unang nakapansin sa akin. Inakay ako nito palapit sa kanila. Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung anong pinunta niya rito.
"Apo, bakit nga ba napapunta ka rito? Bakit hindi mo kasama si Katarina?" tanong ni Nay Rosas
Tama, si Tiago lang ang narito ngayon. Kumabog ang dibdib ko at inaamin ko na may kasiyahan akong naramdaman ng makita siya na narito at nag-iisa. Ngunit nasa isip ko ang pagtataka kung bakit siya narito.
"Gusto ko lang kayo kumustahin, Lola. Hindi ko kasama si Katarina dahil dumating ang Mom niya."
"Gano'n ba. Teka, maghanda tayo ng meryenda. Ngayon na lang ulit napunta rito ang apo natin, e."
Nagtayuan sila Lola Maria at napatingin sa akin kaya kinabahan ako dahil naiisip ko na ang sasabihin nila.
"Ikaw muna ang kumausap sa kanya at maghahanda lang kami ng meryenda."
Nais ko sana sabihin na tutulong na lang ako kaysa makausap si Tiago, pero agad na umalis sila para magpunta sa kusina sa baba. Katahimikan at walang umimik sa amin. Lumapit ako sa isang sofa na malayo sa kanya at kinuha ko ang remote para buhayin ang t.v.
Hindi ako makatingin sa kanya at pinapakiramdaman ko siya.
"I came here because of you."
Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya at tumingin sa pinasukan nila Nay Maria. Lumapit siya sa akin at nabigla ako ng hawakan niya ako sa kamay bago hinatak patayo.
"B-bakit ba?"
Hindi siya umimik at inaya ako palabas. Inaya niya ako sa loob ng kotse niya at magkatabi kaming naupo dito sa gitna.
"Nagpunta ako rito para ibigay sa 'yo 'to."
Napatingin ako sa nilapag niya sa kandungan ko. Kinuha ko ang susi at isang maliit na papel na may nakasulat.
"Ano 'to?"
"Pumunta ka d'yan kapag tinext kita."
Napahinga ako ng malalim, "Dahil ba 'to sa utang ko?"
"Bumaba ka na at sabihin mo kela Lola na umalis na ako."
Gusto kong masaktan dahil akala ko kaya siya nagpunta dito ay dahil gusto niyang pag-usapan namin ang nangyari sa akin noon at sa baby namin, pero nagpunta lang pala siya rito para sabihin ang lugar kung saan niya ako gagamitin.
Bumaba ako ng kotse niya at nakatalikod ako rito kaya malaya akong napaiyak. Agad na pinahid ko ang luha ko at tumakbo papasok. Pinatiyo ko muna ang luha ko at narinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Tiago palayo. Pumasok ako habang binulsa sa suot kong short ang susi at papel.
"Nasaan ang apo ko? Sasakyan ba niya ang narinig naming umalis?" tanong nila Nay Maria.
"Ano po. . Sabi po niya ay may emergency po ata sa opisina kaya nagmamadali po siyang umalis."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...