Kabanata 23
Nanatili lamang ako nakahiga sa kwarto nila Josh habang tahimik na umiiyak. Nasa labas ang magkapatid at nagpapasalamat ako at binigyan nila muna ako ng panahon na mapag-isa. Nawalan ako ng gana sa lahat. Kumain man ako ay kakaunti ngunit hindi ako pinabayaan ni Josh na hindi kumain dahil sa anak ko.
Halos mugto-mugto na ang mga mata ko kakaiyak. Napapikit ako ng pumasok sila Josh at Bekya sa kwarto.
"Ate Lucy, may bisita ka."
Napadilat ako at naupo. Napatingin ako kela Bekya na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Ayoko muna sana humarap sa ibang tao. Pakisabi na pasensya na at hindi ako makakaharap ngayon."
Nagkatinginan ang dalawa. Napahinga ng malalim si Josh at lumapit sa akin.
"Nand'yan ang ama ni Tiago."
Nagulat ako at tinignan ko mabuti si Josh kung nagsasabi ba siya ng totoo. Nang makita ko na hindi siya nagbibiro ay tumayo ako at napahawak ako sa kanya ng muntik pa akong ma-out-of-balance.
"Ingat."
Tumango ako kay Josh at sinuot ko ang tsinelas ko bago lumabas para puntahan ang ama ni Tiago. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton dito at kung ano ba ang pakay niya. Baka nais niyang sabihin na gising na si Tiago. Kung gano'n bakit pupuntahan pa ako nito lalo't gabi na?
Nakita ko itong nakatalikod habang nakatanaw sa sapa. Huminto ako ng ilang pulgada rito bago tumikhim kaya nakuha ko ang atensyon nito.
"Ano pong kailangan niyo sa akin?"
Humarap ito habang nakapamulsa. Napatingin ito sa tiyan ko kaya napahawak ako sa tiyan ko.
"Inamin mong anak ng anak ko ang nasa sinapupunan mo, 'di ba?"
Marahang tumango ako dahil naguguluhan ako. Ito lang ba ang pinunta niya? Para kompirmahin kung nagsasabi ako ng totoo.
"Opo."
Napatango siya at ngumiti. Bakit pakiramdam ko ay tanggap niya ang baby ko? Sa pag ngiti niya ay parang may ibig sabihin.
"Totoo bang kasal kayo ng lalakeng nasa loob?"
Napahinga ako ng malalim at umiling. Walang katotohanan. Inaya ako ni Josh at pumayag ako. Sa west namin balak magpakasal para kung hindi man mag-click ang kasal namin ay maaari namin na huwag ng i-renew ang marriage contract.
"Hindi po."
"Kung gano'n ay sumama ka sa akin."
Naguluhan ako lalo, "Po? Bakit po ako sasama sa inyo?"
Lumapit siya ng kaunti at tinuro ang tiyan ko. Napahawak ako ng mabuti sa tiyan ko bigla.
"Balita ko ay may problema sa dinadala mo?"
Napalunok ako at nagulat dahil paano niya nalaman? Sinabi ni Doctora?
"Paano niyo po nasabe?"
"Tinanong ni Hammer si Ms Jean tungkol sa check-up mo.. At sinabi niya sa amin ang lahat."
Napatango ako habang pinipigilan kong maiyak.
"Opo, mayroon nga pong magiging problema sa anak ko. Pero kung ang inaalala niyo po na hindi ko kayang palakihin ang anak ko ay nagkakamali po kayo. Kaya ko po."
Tumango ito, "I know you can take care of your baby, but I have a reason.. Come with me and I'll tell you the reason why I'm here."
Umiling ako, "Hindi na po ako makikipag-ugnayan pa kahit kanino sa pamilya ni Tiago. Gusto ko na pong matahimik. Gusto ko na pong pumayapa ang buhay ko."

BINABASA MO ANG
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]
General FictionLucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na na...