Kabanata 28

22.6K 965 162
                                    

Kabanata 28

Sukbit-sukbit ko sa isang balikat ang bag na naglalaman ng damit ko at gamit ni Iron. Umalis ako ng bahay na tulog na ang lahat. Ayokong malaman nila o makita ako na umalis. Mas ayos na umalis ako na walang nakakaalam.

Hindi ko rin pinili na umuwi kela Nanay Maria dahil ayoko na pati sila madamay. Baka magalit pa si Mum kapag nalaman na sa Nanay niya rin ako pupunta. Nahihirapan man ako na bitbit ang mga gamit namin habang buhat ko si Iron at nakapayong kami, pero tiniis ko hanggang makarating kami rito sa bus stop.

Sana lang ay may dumating agad na bus. Sumilong muna kami sa waiting shed at nilapag ko sa upuan ang bag namin dahil nangangawit na ako. Naupo ako at sumandal sa pader.

Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Napatingala ako ng pumatak muli ang luha ko. Hindi ko lang matanggap na pati si Joshua nadamay sa lahat ng kagagawan ni Mama. Hanggang sa huli ng kanyang buhay ay hindi man lang kami naisip ni Mama. Kaya ngayon ay ako ang sumasalo ng lahat. Ako ang nagdudusa at nagbabayad sa kagagawan niya. Kung bakit ba kasi siya pa ang naging magulang ko? Kung bakit sa kanya pa dumadaloy ang dugo ko?

"Lucy, long time, no see.."

Napaayos ako ng upo at napatingin sa isang lalake na nakasumbrero habang nasa parteng madilim at natatamaan lang siya ng ilaw ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya. Gabi na at natatakot ako sa taong ito. Pamilyar ang boses niya at hindi ako pwedeng magkamali.

"S-Sino ka?" napatayo na ako habang kinakabahan. Mahigpit na hinawakan ko ang anak ko habang naghahanap ng maaaring paraan para makatakas.

Humalakhak siya habang palapit, "Nakalimutan mo na agad ako? Parang wala tayong pinagsamahan, ha?"

"P-Peter.."

Lalo siyang humalakhak ng makumpirma ko kung sino siya. At nang medyo makalapit siya ay doon ko nakita ang mukha niya. Lapnos ang kalahati niyang mukha kaya napasinghap ako.

"Buti naman at alam mo pa ang pangalan ko. Alam mo bang namimiss kita." ngumisi siya kaya nanginginig na ako sa takot at takot para sa anak ko.

"H-Huwag kang lalapit! Sisigaw ako!" hindi na ako mapakali. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa mali kong desisyon na ngayon umalis.

Napahalakhak muli siya, "Sumigaw ka pero walang makakarinig. Alam mo naman na private place itong kinaaapakan mo."

Napalunok ako habang umaatras, "Kung gano'n ay oras na makita ka ng mga Esteban dito ay magsisisi ka!"

Napailing siya habang nakangiti, "Sa pagkakaalam ko ay kritikal ang anak-anakan mo, kaya malabong maligtas ka niya. Tagal naman mamamatay no'n, hindi pa natuluyan."

Bigla naman umalab ang galit sa loob ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang bote ng anak ko at binato sa kanya. Napapikit siya ng matamaan siya sa mukha kaya iyon ang ginawa kong paraan para makatakas. Lumapit ako sa kanya at tinadyakan ang pagkalalake niya, pagkatapos ay mabilis na tumakbo ako kahit na nahihirapan ako dahil buhat ko si Iron.

"Hayop kang babae ka!"

Napasinghap ako ng agad niya akong mahabol at sinabunutan ako kaya napahinto ako. Napaluha ako ng suntukin niya ang tagiliran ko kaya bigla akong nanghina.

"Very good, Peter."

Nanlalabo ang paningin ko pero nakita ko pa ang isang lalake ngunit hindi ko na mamukhaan ito ng tuluyan akong mawalan ng malay. Sumagi sa isip ko si Iron.. Parang nagising ang diwa ko at agad na napadilat. Pero nagulat ako ng bumungad sa akin ang kadiliman. Hindi ako makahinga. Nang igalaw ko ang mga kamay at paa ko ay mga nakagapos ang mga ito. Tumingin ako kung nasaan ako at nalaman ko na isa itong drum. Napaluha ako habang nagpupumiglas. Ramdam ko na parang bumagsak ang kinalalagyan ko kaya napadaing ako. Nanlaki ang mata ko ng biglang may pumasok na tubig sa loob, kaya mas lalo akong nagpumiglas. Ayoko pang mamamatay! Ang anak ko! Saan nila dinala? Mga hayop sila!

My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon