One True Love

467 16 6
                                    

by: RoVz221991

One True Love

True Life Story

.

.

.

.

.

Joke Lang^_^

Chapter 1

...

Hi, ako si Shane Hidalgo isang Assistant Manager na ngayon sa isang kumpanya dito sa Manila. At bente singko anyos na ako sa ngayon. Pero parang bente lang daw ang aking itsura, yun ang sabi nila eh ano magagawa ko. Medyo matangkad daw, medyo maputi daw, medyo maganda daw at medyo singkit daw. Medyo medyo lang ako.

Nagsimula ang lovestory namin ng first love ko noong kolehiyo pa lamang ako. Actually he's not my first boyfriend ever. May mas nauna pa sakanya. Pero sakanya ko kasi unang naramdaman yung sinasabi nilang love. Dati kasi laro laro lang sa akin ang mga ganyan. Kung di ka marunong makipaglaro, ikaw ang mapaglalaruan. May point naman ako diba. Pero nagbago ang aking pananaw noong nakilala ko siya.

Siya si Bryan Agoncillo isa na siyang nurse ngayon at magkaedad lang kami.

---

Ganito ang simula ng kwento namin. . . .

Shane's POV

"Hoy pasali naman ako pren sa clan mo" ang sabi ko sa kaibigan ko na si Lyca. Mahilig kasi iyon sa text clan para marami daw siyang mameet na kaibigan. Ewan.

"Yeah sure pren, madami guwapo dun, megosh hihihi" malanding sagot niya.

"Hmmp guwapo nanaman, bakit maganda ka ba?" pambabara ko sakanya. Actually maganda siya, pero biro ko lang yun sakanya.

"oo naman noh! Gawa ako ng aking ama at ina noh! Tseee!" arteng sagot ulit niya.

"Ano codename gusto mo? Gawan kita ng form at isend ko sa founder namin para mawelcome ka na niya sa clan namin." tanong ni Lyca sakin sabay kuha ng cellphone nito sa bag niya.

"zhupladita na lang" sagot ko na itinaas ko pa kunwari ang isang kilay ko.

"Abah! Zhupladita nga" pag sangayon ni Lyca sabay sabunot sa buhok ko.

Ganito kami ni Lyca ang bestfriend ko since highschool hanggang ngayon na college na kami. Pareho kami ng kinukuhang course. Isa kaming education student at nasa unang taon pa lamang. Kaya medyo pasaway at di sineseryoso ang pag-aaral.

"ahyyyy eh! Ano ba to sunod sunod ang messages ko!" maktol ko sa sarili ko sabay bukas ng cellphone ko. Nakalimutan ko ba naman kasing isilent. Naka loud pa. Tapos kasalukuyan pa kaming nagklaklase. Tinginan ang buong klase sa akin pati ang profesor namin na masungit at supladang tulad ko. Di yata napagbigyan araw araw kaya ganito ito palagi

hihihi.

"Miss Shane Hidalgo! Get out!" sigaw ng impakta naming profesor sa Filipino.

"Ma'am sorry, nakali---

hindi na pinatapos ng aking guro ang nais kong sabihin ng sabihin niyang.

"Get out. Sabi ko get out, magdrop ka na rin kung gusto mo, maliwanag!" sigaw ulit ng impakta, este prof namin na maganda.

Get out sabi niya, eh di get out. Di naman ako mahirap kausap eh.

Nang nasa labas na ako kinuha ko ulit cellphone ko para tignan kung sino ba ang mga to na dahilan ng pagkakalabas ko.

"Welcome zhupladita."

"Welcome sa newbhie."

"Welcome sa OFC clan zhupladita."

"Welcome."

Yun ang sunod sunod na message na aking natanggap. Welcome sa clan daw.

Hellcome to me grrr. Dahil sa clan na yan napalabas ako eh. Hellcome hindi welcome.

Ganun pa man ang nangyari minabuti ko na lang na ipagpatuloy ang pagsali ko sa clan. Malay ko dito ko pala makikilala ang magiging mapapangasawa ko. Charoot napalabas na nga eh.

Kaya ibinuhos ko ang buong oras ko sa pagsagot ng welcome nila.

"Hi NASL" sabi ng isang nagwelcome sa akin. Simple guy daw ang codename.

"Ano yang NASL, mang iNASAL ba yan" sabi ko na nagbibiro lang.

"Name age sex at Location po yun" reply ni simple guy.

"ahhh, yun pala yun. Oh well I'm Shane, 17, shemale from Isabela." reply ko.

"Salamat. Wow ganda naman pangalan mo, ganda mo rin siguro. Ako naman si Bryan taga Isabela din." pagpapakilala niya.

"Tinatanong?" sungit na reply ko.

"Ay hindi miss, sinasagot." agad na reply naman niya.

Hindi ko na lang rineplayan. Ewan ko ba bigla kasi akong nabadtrip. Ganito na talaga siguro ako, kung trip ko magsungit, trip ko talaga. Trip by trip men, walang basagan ng trip.

"Hoy! Babae!" tawag sa akin ni Lyca, tapos na pala ang subject namin sa Filipino. Ahyy salamat naman wala na din sa class room namin si impakta este ma'am na maganda.

"Oh, anong trip mo?" taray ko sakanya.

"Huy gagi, ano ba nangyari kasi kanina?" tanong ni Lyca sa akin.

Inirapan ko siya.

"Halla, ano kaya yun." sabi niya na umirap din.

"Eh ng dahil sa clan na yan eh. Winelcome pala ako kanina ng mga member doon. Abay malay ko ba na tinotoo mo talaga yung sabi ko na isali mo ako sa clan niyo." irap ko uli sakanya, na parang kasalanan niya.

"Sorry na, akala ko kasi gusto mo talaga." paghihingi ng paumanhin ng bestfriend ko.

"De ok lang yun. Hayaan mo na tapos na, tapos na akong pinalabas hehehe." natatawang sabi ko.

"oh, baliw ito, kanina pairap irap. Ngayon tatawa tawa na. Baliw.!"

"Sira ulo" sagot ko naman.

Ganti ganti lang yon.

"member ka na sa clan ha."sabi Ni Lyca sa akin.

"Oo na." sabi ko, ewan parang may kung ano kasi na huwag akong magquit.

"May geb kaya sa linggo pren. Attend naman tayo para makameet ka ng mga guwapo hihi."anyaya niya sa akin.

"Try ko" sabi ko.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon