Jessie's POV
"He knows who you are. Kuya Jacob mentioned na hindi yun nagrereply sa hindi niya kilala so stop sulking Jessie." said Jean, convincing me.
Kanina pa niya pinapagaan yung loob ko pero walang effect.
"Sinasagot ako 'nun tuwing tinatanong ko kung nasaan si kuya kahit hindi kami close." she added.
"Of course kilala ka niya dahil kapatid ka ng barkada niya. Pinakilala mo kami sa kanya last year and I guess sina Lisha at Roselle lang yung natandaan niya kasi nag-add siya agad sa FB."
Nakakalungkot. I got so upset when I found out na friends na silang tatlo at ako nalang ang hindi. When I sent him a request, I waited for a week before I got accepted.
"Don't worry about me girls. I'll be fine. Gusto ko lang talaga magdrama ngayon." I assured them before giving a weak smile.
"Do you want to go to the mall? We can ditch our classes and have fun." napangiwi ako sa suggestion ni Lisha. Roselle and Jean immediately turn down her idea.
The last thing a graduating student like us want is a failing grade.
Nagpatuloy sila sa pagkain ng lunch habang sinusubukan ko paring nguyain yung fries na kanina pa nasa bibig ko. Nagulat nalang ako ng maramdamang may biglang tumabi sa'kin. Bakas din ang gulat sa mukha nina Jean, Lisha at Roselle.
Muntik ko ng iluwa yung fries nang makita kung sino ito.
"Hi Jean and hello friends." she giggled. "Can I sit with you?"
Shit. Si Irish Shane.