Chapter Four

102 2 0
                                    

HATE ME

CHAPTER FOUR:

Nauna si Bern maglakad palabas ng hotel. Nakasunod lang ako.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa lobby kanina but I’m pretty sure it’s only because of him. He attracts too much attention.

Pati nga yung receptionist nakalimutang asikasuhin yung mag-asawang magchecheck-in ata. Sinundan niya talaga ng tingin si Bern from the moment we got out of the restaurant hanggang sa papalabas na kami.

Noon pa man, gwapo na siya pero iba ang dating niya ngayon. Parang mas naging malakas. Parang mas naging agaw-pansin siya. Or is it just me? Kasi lahat ng attention ko, nalipat na sa kanya.

His build changed too. Parang tambay na siya sa gym but it’s not too buff or bulky. It’s fit for his age. Siguro light workout lang.

Seriously Jessie? Yung katawan niya talaga yung una mong napansin?
I scolded my inner self as I try to figure out where we are heading.

Base sa mga nakakasalubong namin, parang sa poolside yata kami papunta because most of them are wearing swim suits and trunks.

Anong gagawin namin dun?

Ah, oo nga pala. Usap daw. Sabi niya.

The pool area isn’t crowded like how I expected it to be. Puro mga foreigners na guest lang yung nandito at mabibilang mo lang. Some are actually swimming and enjoying the water while others were clearly here to flirt.

Napatunayan ko yun when one of them looked at me from head to toe. Blonde hair plus blue eyes pero hindi ko type. He’s young but I believe he’s still a few years older than me.

Type ko yung mga hindi ako type. Ouch!

Siya agad ang unang napansin ko kasi nakaharap siya sa parang entrance papunta rito. Tinignan ko rin siya habang nakakunot ang noo. Hindi man lang ako natinag nang ngumiti siya at kumindat. I was probably looking disgusted when I rolled my eyes at him.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagsunod kay Bern na ang lalaki ng hakbang. My height is pretty much above average for a girl, in my opinion, pero ang tangkad niya talaga compared sa’kin. Ang haba ng mga biyas kaya ang hirap habulin.

Gusto ko sanang magreklamo kaya lang dire-diretso lang siya kanina. Mukha pa siyang nagmamadali. Parang hinahabol ng pinagkakautangan.

Nagmukha pang sapilitan ang pagsunod ko sa kanya rito. Hindi naman kasi ako pumayag. Hindi nga siya nagtanong. After he said “Let’s talk.”—tumalikod na siya at naglakad so I understood it as a signal that I should follow him. Ang tanga ko parin noh?

Huminto siya sa may dulo nitong parang infinity pool. Walang tao na lumalangoy banda rito siguro dahil nakakapagod na. Puro sila nasa unahang parte o sa may gitna. When they reach the middle, they swim back to where they started at hindi umaabot dito.

Puno ng ilaw at mga halaman sa side na 'to na sigurado akong kaiinggitan ni mama. Halatang mga mamahalin at alagang-alaga.

The water actually looks tempting. Kung nandito ako para magbakasyon o mag-staycation, I will stay here longer kahit hindi ako marunong lumangoy. Kapit sa gilid lang ganun.

Nakahinto narin si Bern.

Mukha talaga siyang may importanteng sasabihin.

If he’s going to act like a jerk again, hindi ako magdadalawang-isip na itulak siya sa tubig... kahit crush ko pa siya. I know it’s no use since he surely knows how to swim but at least he’ll get wet.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon