Jessie's POVI lied.
Hindi parin kami okay nila Lisha, Roselle at Jean. Siguro busog na sila ngayon. Hindi man lang nila ako naalala. They're making me feel so guilty about yesterday. Hindi man lang nila ako pinansin sa group chat namin.
Gusto ko ring sapakin yung sarili ko for being too excited kanina. I'm already dressed up, patiently waiting for Bern like we're going on a date. I hate myself for being disappointed that it didn't happen.
Of course susunod si Irish.
At of course dapat hindi ako mukhang timang na mag-isa at malungkot sa loob ng kwarto ngayon. Inaya niya lang akong magbreakfast kasama siya pero hindi natuloy kasi dumating ang girlfriend niya. Bakit ako nasasaktan ngayon?
Takteng crush naman 'to. Sabi ko ititigil para mawala pero bakit parang mas lumalalim?
Makatulog na nga lang. They won't even bother looking for me after what happened yesterday. Siguro nga walang makakapansin na hindi nila ako kasama. #MedyoSad.