"Anong paputok yung patok ate?" tanong ko sa tinderang aattend yata ng lamay. All black kung all black at maypasunglasses pa si ateng."Ito miss. Heaven on Earth. Mapapasigaw ka sa sobrang sarap, ayy ganda pala hihihihi." hagikhik niya habang hawak ang isang weird looking na firecracker.
Napangiwi ako at nagturo ng ibang klase. "Yang kulay pula ate, maganda ba 'yan?"
"Naku miss oo naman. Tawag sa paputok na yan Jumbo Hotdog. Malaki, maingay, masarap-- este maganda rin hihihihi."
I almost rolled my eyes. Almost. May pinagdadaanan yata si ate kaya siya ganyan. Makalipat na nga sa ibang tindahan. "Sige ate, babalik nalang ako." paalam ko sa kanya.
Umalis na ako para maghanap ng ibang nagtitinda ng paputok. Yung matino sana yung tindera para makauwi na ako agad.
Si mama naman kasi, ako talaga yung inutusan. Pwede namang si kuya Jason nalang since siya naman talaga bumibili ng mga paputok tuwing New Year. Pero sabi niya ako nalang daw para maiba naman.
Pshhh. Hindi man lang ako sinabihan kung anong bibilhin. Tulog pa si kuya nung umalis ako kaya hindi ko natanong. Bilhin ko nalang kaya lahat?
'Wag na pala. Baka mabatukan ako ni mama sa laki ng gastos.
Tanungin ko kaya si Jean? How about Lisha? Si Roselle kaya? O si kuya Jacob? Baka alam nila.
Hayys. Wala pala akong load.
I continued walking to look for another store pero puno na lahat. December 31 na kasi kaya kahit umaga pa lang ay marami talagang namimili. Ayoko namang makipagsiksikan kasi hindi ako marunong. Baka isang attempt ko lang, matumba agad ako.
"Manong pwede ba nating subukan lahat ng binili ko?"
"Hala dong kung susubukan natin lahat, bibili ka ulit. Magiging doble gastos mo dong sige ka."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng isang matandang lalaki at isang problemadong binata.
Si Bern Anthony Rama. Barkada ni kuya Jacob at classmate ko nung Grade 8. Anong ginagawa niya dito?
Malamang Jessie Shane bibili rin ng paputok kagaya mo. Bobo lang?
"Okay lang manong. Gusto ko lang magrehearse para mamaya." nakangiti na tila ba may naaalalang maganda na sabi ni Bern.
Kailan pa siya naging cute? Bakit ngayon ko lang napansin?
"Sige dong ikaw bahala."
Pumunta sila sa isang malawak at bakanteng lote na katabi ng mga tindahan. Dahil kapansin-pansin naman talaga sila, lalo na si Bern, nakuha nila ang atensiyon ng mga tao. Isa-isa itong nagsilapitan para manood. Mga chismosa lang?
Like me? Hahahaha.
May sinabi pa siya kay manong at sa tatlong lalaki na kasama nila bago naglakad papunta sa pinakagitna.
Anong trip ng lalaking 'to?
"Pagbilang ko ng tatlo manong ha!" sigaw niya. Rinig ko naman ang paghinga niya ng malalim pagkatapos kasi lumapit talaga ako ng very very near sa kanya pero hindi niya naman ako napansin.
"ISA! DALAWA! TATLO!!!"
*PewwPiwwwPePiwPePiwwww*
Fireworks? Fireworks display sa umaga? Hilo ba siya?!
PERO WOW! Ang ganda-ganda! Ang bongga! Ang galing-galing!
Para saan kaya 'to?
Or para kanino?
Halfway trough the display, habang nakakanganga ako sa pagkamangha, biglang lumuhod si Bern sabay sigaw ng isang napakalakas na...
"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?!"
Langhiya mga besh! Napasagot ako ng yes kahit hindi ako yung tinatanong. Parang lahat yata ng babaeng nanonood, feeling nila sila yung tinanong. Pati mga misis. Kahit nga si lola sa 'di kalayuan, napasigaw sa kilig.
At that moment, nasabi ko, handa akong gumawa ng kahit ilang Balancing Sheet makilala niya lang.
*****
At sa pagkakataon din na 'yun, walang putukan na nangyari sa New Year's Eve ng pamilya Cuaves kasi ang dapat bibili sana ng paputok na si Jessie, nadistract at nagpatama sa pana ni Kupido.
-----
You do note:
Wala po akong alam na paputok bukod sa kwitis, piccolo at watusi. Hindi rin ako sigurado sa spelling hahahaha. Gawa-gawa ko lang po yung mga paputok na nabanggit. If they really exist, hindi ko po yun sinadya. Babusshhh!
*isipin niyo nalang pala na ganun yung sound ng fireworks nyahahaha pipepewweww!
Merry Christmas😘