HATE ME
CHAPTER SIX:
Sunday is girls day, ayon sa pinaglalaban ng naghihimutok na si Lisha.
Well, we usually hangout during weekends pero dalawang beses na akong hindi nakakasama sa kanila dahil napapadalas na talaga ang paglabas-labas namin ni Anthony.
And according to Jean's words, it's not healthy. I agree naman but it's not on a certain level... the past level to be specific. Hindi ko na nilalagyan ng kung ano-anong kulay o meaning yung mga kilos at sinasabi niya kapag magkasama kami. I forced myself not to.
Sabi nga nila, lesson learned.
"Anong iniisip mo diyan?" Tumabi sa'kin si Roselle habang nakahilata kami sa carpet dito sa living room namin.
We decided to watch Netflix all day. Nagtalo pa kami kung saang bahay kami makikitambay but we ended up here, at our house for some reasons.
Una, Lisha's nag-iinarte dahil hindi pa raw tapos ang renovation ng bahay nila so we can't go there until it's done. Pangalawa, dalawang Sunday narin silang nakikitambay sa bahay nila Roselle at may mga hiya pa naman ang mga gaga kaya sa ibang bahay naman daw. Pangatlo, we can't go to Jean's house. I mean--I can't go to Jean's house.
Nandun si kuya Jacob.
"Iniisip ko kung sinong crush mo." Pagkasabi ko 'non, agad na nagsilapitan ang dalawa sa pangunguna ni Lisha na milagrong nakahawi ang bangs.
We've been telling her to do that more often pero sabi niya kapag hindi raw nakababa ang bangs niya... feeling niya nakahubad daw siya. Hindi ko siya magets pero hayaan nalang natin.
"Oo nga, yung lalaki sa canteen pa yung huling nakuwento mo sa'min and that was ages ago," exaggerated na sabi ni Lisha na may kasamang hand gestures pa. I don't know if ganito rin yung ibang dancers but even with her small movements or random actions, para parin siyang sumasayaw. Ang cool.
"May crush ka?"
Impit kaming napatili ni Lisha sa tanong ni Jean kay Roselle. Mahina ko siyang nahampas sa sobrang excitement. It's nice to see her showing interest in stuff like this again. Tinatago niya lang talaga yung curiosity niya tungkol sa mga kwentong pag-ibig namin. And she's good at hiding things about her love life too. Matanong nga rin 'to mamaya.
"There's a lot of cute guys in our department," parang kiti-kiti si Lisha sa tabi ko. Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Sang-ayon din ako sa kanya. Marami kaming gwapo na classmate.
"Hoy mas marami paring gwapo sa Engineering Dept," Roselle gushed and I can't help but join her too. Sang-ayon din kasi akong maraming engineering students na gwapo.
I was beaming while watching them giggle over some guys na alam naman naming hindi mapapasaamin. I realized that it's been a while since we had a girl talk like this. Yung ganito lang. Harmless na kilig lang. Walang heartbreaks after.
"So ano nga sis? May type ka ba? Share mo naman!" Lisha sounded impatient habang tinutulak-tulak si Roselle sa balikat. Nagiging extra attentive talaga siya basta chikahan about guys. Akala mo hindi baliw kay Harley.
"Marami pero hindi ko alam yung names. Ang daming gwapo naman kasi. Ang raming options! Options! Options!" Alam kung may ginagaya siya kaya lang hindi ko tanda kung sino pero tumawa parin ako. Ang baliw talaga.
"Have you tried using a dating app?"
Sabay kaming napasinghap at napatingin kay Jean. Ako at si Roselle--hindi makapaniwala at naiintriga. Si Lisha naman, may nakakabwisit na ngiti.Jean raised both her hands. "Hey! Hey! Before you accuse me, kay kuya ko nalaman yung dating app na 'yon. He showed me how it works, he even downloaded the app on my phone but using it never crossed my mind." She explained, defending herself.