HATE ME
CHAPTER THREE:
Flashback...
January
Grade 10
ArmyBlink AcademyNaglalakad ako mag-isa habang hinahanap yung takip ng ballpen sa bag ko. I was busy rummaging through the contents of my bag kaya hindi ko namalayan na may makakasalubong na pala ako.
Nagkabanggaan kami.
Tumama yung mukha ko sa katawan niya. Masakit yung noo ko dahil sa tigas ng dibdib niya. Kumikirot yung ilong ko pero naamoy ko parin yung pabango niya. Amoy masarap—este manly. Ang manly ng scent niya. Nakakagana—I mean nakakatuwa! Tuwang-tuwa ako sa amoy niya!
Nang tumingala ako kasi sigurado akong ang tangkad niya, nakasalubong ng mga mata ko ang pinakagwapong mukhang nakita ko sa balat ng universe. Napakaperpekto!
Sino siya?
Ang yummy niya.
Tsaka ang puti niya. Hindi—ang putla niya. Ang kinis-kinis pa. Ano kayang skincare products niya?
He looks unreal. Ang tangos ng ilong niya. Ang kapal ng kilay. His eyes are as black as the sky without the stars and the moon at night. His lips so red like blood.
Bakit ganyan siya makatingin sa’kin?
Parang kakainin niya ako.
Pa-fall naman ‘to.
Crush niya ba ako?
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
Mahigpit.
Hindi ako makahinga.
Pero ayaw kong kumawala.
“Finally...” he whispered to my ear. Ang init ng hininga niya. Para akong kiniliti. Tapos ang lalim at ang sexy ng boses.
Nakakagigil!
“I finally found you.”
Huh?
Anong finally found me?
Mukha ba akong lost item?
“Hindi kita maintindihan.”
Inilayo niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng mukha ko at seryoso akong tinitigan. Napalunok naman ako. Ano ba naman kasing klaseng titig ‘yan?
Nakakarupok!
“I finally found you... my Fairy Princess.”
Naalala ko na naman yung first chapter ng binabasa kong story.
Marami na akong nabasang kwento and the most common scenario na nangyayari: Magkakabanggaan yung dalawang bida.
Kung sa simula, sa gitna o sa huling part—it doesn’t matter. Basta magsasalpok ang katawan nila.
Madalas natutumba yung girl at kapag masungit yung guy, hahayaan niya lang ito at lalait-laitin.
Kapag gangster naman, pagbabayarin niya yung babae sa pamamagitan ng pagiging slave for a month.
At kapag isang guy na hinahabol ng psychotic na ex or binantaan ng magulang na hindi mamanahan kapag walang ipinakilalang babae tapos medyo poor yung girl, mag-aalok siya ng pera para maging pretend girlfriend niya. Pwede ring fiancée o asawa.