Ilang beses ko nang napapaginipan kung paano ako magtatapat.
Romantic. Yung pang plot-twist sa isang Wattpad story. Turning point kumbaga.
Detailed. Yung sasabihin lahat pati kulay ng damit, oras o lugar sa simula hanggang sa matapos.
Straight to the point. Yung naiinip ka na kaya gusto mong ipaalam kaagad. Ilang taon ka ba namang magpigil.
Pa-showbiz. Yung maraming pasakalye at paligoy-ligoy. Kung saan-saan nakakarating yung kwento.
Walang nasunod sa mga 'yon.
I told him everything...
The Jessie-Shane-Cuaves way.