091

90 4 0
                                    

"Stop moving Jessie!"

Ngumuso ako kay Kuya Jacob. "Hindi pa ako tapos pero pinatigil ni'yo ako. Hmp!"

I did the dance moves na hindi ko nagawa sa stage kanina. Sayang kasi. He would've been impressed.

Baka maging crush niya rin ako!

" 'Wag ka na sumayaw. You're gonna get dizzy." Tunog stress na yung kapatid ng kaibigan ko.

Ngumiti ako sa kanya pero hindi ako tumigil. I started singing the lyrics too.

I never really like the song Pusong Bato but recently, parang biglang ginawa yung kantang 'yon para sa'kin.

"Kung akoy muling iibig, sana 'di maging katulad mo." Pumiyok ako kaya ako natawa. Tawang-tawa ako sa sarili ko. Parang hindi ko matigil yung tawa ko.

"--dito ka muna. Bantayan mo 'tong lasing. Kukuha lang ako ng tubig."

"Hoy sinong lasing?!" Nanghahamon na tanong ko kay Kuya Jacob habang pinapaalon-alon yung mga kamay ko kasabay nang pagpapatuloy ko sa chorus. "Tulad mo na may pusong bato." I tried to hit the highest note. Feel ko naman nareach ko. Muntik pa akong magsplit kaso hindi ko pala kaya.

My movements went bigger and my singing more emotional pero hindi ko na narinig yung pagsasaway ni Kuya.

I'm only hearing laughter.

Nagatataka akong tumigil at nilingon yung kasama ko. Hindi naman iyon tawa ni Jean, Roselle at Lisha dahil malalim ito. Parang hindi rin tawa ni Kuya Jacob kaya sino siya?

"Hala, si Bern Anthony!"

I'm supposed to say that inside my head pero naisigaw ko ng malakas.

Tumawa ako kasabay niya bago kumaway. "Hi! Ehehehe."

Kung totoo man siya o hallucination ko lang, natutuwa akong makita siya.

Tumuwid ako ng tayo at pumikit-pikit para ayusin yung paningin ko.

"I'm Jessie Shane Cuaves," pagpapakilala ko. Hindi niya kasi ako kilala.

Medyo sad pero okay lang. Nasabi ko naman pangalan ko sa kanya ngayon.

"Bern Anthony Rama."

Nagshake-hands kami. Matagal kong binitawan ang kamay niya.

"You can call me Jessie, Jess or Shane. Pero dahil special ka, I'm adding more options for you."

"More nicknames?"

"Hindi. Endearments."

Tumawa ulit siya pero nainis ako. "Anong tinatawa-tawa mo?!"

Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit bigla akong nagalit.

Nabubuang na ba me?

Hindi siya sumagot kaya tumawa na naman ako. "Pasalamat ka crush kita!"

My eyes widen. "Oops!"

Ngumiti si Bern. Nakaramdam na naman ako ng inis. " 'Wag ka ngang ngumiti!" Tinampal ko yung pisngi niya.

"Why?"

I started laughing again. Yung tawa ng kinikilig. "Nafafall ako lalo."

The side of his lips rose. He looked amused. Ang gwapo shet!

"Napanuod mo yung performance ko?"

Tumango siya.

"Ang galing ko 'diba?"

Tumango ulit siya.

"Para sa'yo yun."

Natigilan siya.

"Gulat ka noh?"

Parang baliw na naman akong tumawa. Ang cute-cute niya kahit sa hallucination ko. Nakakainis!

"Nag-aaral na akong mabuti ngayon dahil sa'yo. Gusto ko kasi maging bagay tayo kapag nagtapat na ako."

I was waiting for a change in his expression pero mukhang gulat parin siya sa pinagsasasabi ko. Hindi siya makatingin sa'kin.

Nalungkot naman ako.

"Ang unfair mo!" Maktol ko.

He snapped his head to face me. Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit na naman?"

"Palagi ka nalang hindi nakatingin sa'kin. Eh ako nga, na sa'yo na yung paningin ko. Pati pagtingin ko na sa'yo rin!" Reklamo ko sa kanya.

From amused, naging confused siya.

Para siyang totoo.

"Pwede kitang hawakan?" I-chicheck ko lang kung kaharap ko ba talaga siya.

When I felt the warmth on his cheek, napatalon ako palayo.

"Hala! Real ka pala?!"

Wala parin siyang sinasabi.

"Kung totoo ka, pwedeng magtanong?"

"Yeah, go on." Wala ng bakas ng pagkagulat yung mukha niya.

Bumalik ulit yung ngiti na inaabangan ko kapag nagnanakaw ako ng tingin sa kanya sa canteen o library tuwing kasama niya barkada niya.

"May crush ka ngayon?"

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon