Chapter Two

128 2 0
                                    

HATE ME

CHAPTER TWO:

Hinihintay namin ngayon si Lisha sa may carpark ng university dahil sabay kaming apat na pupunta sa restaurant. Maaga kasi ang dismissal namin nila Jean compared to her na may tinatapos pang isang klase.

Dinner's at seven. Five pa lang kaya maaga pa. Lisha's class will be done by five thirty. We'll change clothes in Roselle's condo na nasa malapit lang din. Naka uniform pa kasi kami.

We could wait in Roselle's condo para makapagpalit na ng damit kaya lang nag-iinarte si Lisha at gusto talagang magpahintay. Magtatampo raw siya kapag nauna kaming magbihis.

Roselle left to buy us milktea. I offered to come with her kaya lang tumanggi siya. Kaya niya na raw. Sabi niya pa "Sis, hindi kasing-bigat ng bangko yung milktea para pagtulungan nating buhatin. Dito ka nalang."

So I'm left with Jean inside her car with Manong Frank. Graduation gift ng daddy ni Jean itong sasakyan.

Although marunong siyang magdrive, her father insisted to hire a driver for her. Hindi dahil walang tiwala si Tito sa driving skills niya, it's just that he doesn't trust my friend's temper. Baka may makaaway daw ito sa gitna ng kalsada.

Kanina pa ako patingin-tingin lang sa kasama ko. Nahahalata niya na siguro na may gusto akong sabihin o itanong sa kanya kaya binaba niya muna ang cellphone at hinarap ako.

"What is it?" Jean asked.

"Sinong mga pupunta mamaya?" nagdadalawang isip talaga akong itanong sa kanya yan pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko alam.

I want to come but I think it's best if I don't. Yet I don't want to feel guilty. For the first time kasi biglang nagkusa si Slater na mag-invite kagabi sa group chat naming hindi na masyadong active lately.

Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Hindi nga siya tinantanan ng pang-aasar nila Mike, kuya Glen at Clark. Lisha and Roselle teased him too. Even Jean na isa ring silent member ng GC. Gusto kong makisali kaya lang biglang nag popped-up ng magkasunod ang pangalan ni kuya Jacob at Bern. Umurong yung mga daliri ko sa pagtatype.

Plano ko sanang magsent nalang ng private message kay Slater to greet him in advance at para sabihin naring hindi ako makakapunta. Pero kahit mag-isip ako ng palusot, hinding-hindi ako makakalusot talaga.

If I make an excuse about school, hindi kapani-paniwala kasi makakapunta naman si Roselle at Jean na kakaklase ko sa lahat ng subjects. Hindi alam ni Slater yun pero baka dumaldal si Lisha at mabuking ako knowing her and her big mouth.

If I use my family as an excuse, hindi rin gagana kasi imbitado rin si kuya Jason. Before college started, nagulat nalang ako ng in-add siya ni Lisha sa group chat ng barkada. Tinanong ko pa kung bakit pero ang sabi niya lang, natalo siya kay kuya sa isang pustahan. Lisha sounded so defeated kaya hindi ko na tinanong pa kung anong pustahan yun.

Kung sasabihin ko namang may sakit ako, kuya Jason and Lisha would be the first one to blow my cover. Maybe Roselle too.

"You want to know if kuya Jacob will come, right?"

I was caught off-guard by Jean's question. Bago pa man ako tumanggi, may dinagdag na siya.

"He'll come but he's going to be late. His classes usually ends at 9 or 10 in the evening. May "get-together" daw sila sa isang bar later. Slater likes to call it that but it's a party. Magpapakalasing daw sila dahil wala namang pasok bukas."

"Sasama ka?"

Agad nag-iba ang mukha niya. "Sa bar? No way!"

Tumango-tango ako.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon