Jean's POV
"Pakilala mo naman ako kay Bern." Hinawakan ako ni Jessie sa braso at niyugyog. "Shige na Jean. Shige na plish. Shige naaaaa."
Kanina pa ako pinipilit ni Jessie. Lasing na talaga siya. Buti nalang at wala na yung ibang bisita. Kami nalang ng mga barkada ni kuya at ilang mga kakilala ko sa school ang nandito. The only few people na hindi takot sa aming apat.
Roselle and Lisha are trying their best to block Jessie's way back to the party.
She's been dancing for almost an hour. Hiyang-hiya kaming tatlo dahil todo bigay siya sa pagsayaw. Siya lang yung tinitignan sa makeshift dance floor kanina. She's getting wild.
"Jessie no. Lasing ka na. Kailangan ka na naming ihatid pauwi." Tinaggal ko yung kamay niya at sinubukan siyang hatakin papunta sa sasakyan.
Bigla siyang umupo sa damuhan. "Ayaw. Ayaw ko umuwi." She threw her hands up in the air. "Gusto ko pang sumayaw. Wuhooo! Party! Party!"
Napafacepalm ako. "Jessie--"
"Pakilala mo kasi ako kay Bern." niyakap niya ang mga binti ko. "Promise hindi na ako tatakbo Jean." She bragged the confidence she gained because of the alcohol.
First time niyang malasing. Patay ako kay tito at tita pati narin sa kuya niya dahil hindi ko siya napigilang uminom. Kailangan ko pang mag-isip ng paliwanag. Sumasakit na tuloy ulo ko iniisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon nila tita 'pag nakita siya.
"Tumayo ka diyan. Iuuwi ka na namin." I tried to lift her up pero hindi ko kaya. I asked Roselle for help pero mas lalong nagpabigat si Jessie.
When Lisha joined us, tumayo si Jessie bigla kaya napaatras kami. She used that moment to run away.
"Jessie!" tawag naming tatlo sa kanya.
***
Roselle's POVSinundan namin siya pabalik sa party. Nagsasayawan parin yung mga tao. Nauna namang tumakbo si Jean kung nasaan sila kuya Jacob para harangin si Jessie kung sakaling ituloy niya talaga yung gusto niyang magpakilala kay Bern.
Tumatalon-talon ako para hanapin yung lasing naming kaibigan sa dance floor. Hindi naman ito crowded pero ang tatangkad nila masyado.
Wala namang kahirap-hirap si Lisha na nakatayo lang habang iniisa-isang tignan yung mga nagsasayawan.
Wala si Jessie.
Saan ba nagpunta ang babaeng yun?
"Ayun siya!" Agad akong napatingin sa direksyon na itinuro ni Lisha.
Jessie was trying to climb the stage kahit may stairs naman sa gilid. She's wearing a dress pero naka safety shorts naman siya at wala pa namang nakakapansin sa kanya.
Tumakbo kami ni Lisha papunta kay Jessie but we're too late. Nakaakyat na siya sa stage. Anong gagawin niya?
She stood there for a while. Nakapikit dahil nasisilawan sa ilaw. Maya-maya ay kinuha niya yung microphone na ginamit ng host sa formal debut party ni Jean kanina. Nagsalita siya pero baliktad yung pagkakahawak niya sa mic. Inayos niya ito at nagsalita ulit.
"Hi guys!" Sabi niya pero masyadong malakas yung music kaya kaming dalawa ni Lisha lang na malapit sa stage ang nakarinig sa kanya.
"What's up madlang people!" Malakas na sigaw niya. The music stopped. Tumigil din sa pagsayaw yung mga tao. Hinanap nila kung sino yung sumigaw.
"I'm here. Here guys. Yes that's right. Look at me." nakangiti siya at kumakaway-kaway pa.
"Good evening once again ladies and gentlemen. My name is Jessie Shane Cuaves and I'm going to sing and dance for you tonight." she announced.
My eyes widen. Is she freaking serious? Pagsisisihan niya 'to bukas.
"Ididedicate ko 'to sa crush ko." Everyone gasped at her declaration.
"Crush, hindi mo alam na dahil sayo, ako'y di makakain. Di rin ako makatulog dahil sayo. Kung saan ka man ngayon, diyan ka lang."
Natawa na ako. Kinuha ni Lisha yung phone niya. "I'm going to record her."
I got my phone out. "Me too."
"Crush 'wag kang pipikit para makita mo yung sayaw kong malupit. Makinig kang mabuti. This song is for you."
Then she started doing what I believe would be the most embarrassing moment of her life. Oh my god.