066

144 5 0
                                    

"Anong klaseng mukha 'yan?" Lisha asked me the moment she entered the classroom. I look at her with tired eyes and forced a smile. Mas lalong kumunot yung noo niya sa pagtataka.

"Hindi ako nakatulog." I told her honestly. "Pumasok nalang ako ng maaga hahaha." Imbes na maliwanagan, Lisha looked even ore confused because of me.

Ano bang nangyayari sakin?

Kasalanan ko naman. Kasi ako yung nag-assume. At kahit hindi ko sabihin, alam kong umasa ako. Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kahapon.

I tried my best to be the same in front of him after he told me the reason why I'm with him. He needed my help. That's all. Walang importanteng rason kung bakit niya ako inayang lumabas katulad ng naisip ko the whole Monday night. Walang date na naganap katulad ng inaasahan ko. Just a guy asking for his friend's help. Nothing special.

Hindi ko pinakitang nasaktan niya ako unintentionally. Tinulungan ko siyang maghanda kahit pinipilit kong huwag mainggit habang kinikwento niya sakin kung paano niya susurpresahin ang babaeng mahal niya.

"Saan ka galing kahapon?" Nakaupo na siya habang sinusuri ako.

I couldn't tell any of my friends the truth. Tsaka na kapag hindi na ko tanga. Which means, matagal pa bago ko masabi sa kanila. I know I'll be stupid for quite a while.

"Diyan lang. Sa tabi-tabi." Malakas akong tumawa nang makita ang reaksyon niya sa sagot ko.

Nag-aalalang tinignan niya lang ako na para bang sinasabi niyang "Nababaliw na ba 'tong kaibigan ko?"

Siguro nga.

Nababaliw na ako.

How do you forget your inspiration?

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon