035

182 3 0
                                    


Lisha's POV

"Can we take pictures here?" tanong ko sa kasama kong si Harley.

Kanina pa kami palipat-lipat ng lugar. Dapat sana ay nasa dagat na kami ngayon para magjetski pero tinatamad pa kami pareho.

"Sure." he readily agreed and then winked at me. Kumindat din ako and gave him two thumbs up.

Ibibigay ko na sana yung cellphone ko sa kanya nang may isang babaeng lumapit sa amin. She's wearing a yellow shirt with Parkplace printed on it. Mukhang empleyado yata dito sa resort.

"Good morning mamser! Pwede ko po ba kayong imbitahang sumali sa Zumba Marathon na gaganapin sa tabing-dagat mamayang hapon?"

"Yes!" me and Harley said in unison. Kahit anong klase ng sayaw. We're up for it! We registered our names willingly. Binigyan naman kami nung babae ng kulay pulang wristbands pagkatapos.

I was not surprised when Harley immediately said yes. Alam ko na kung bakit siya pumayag. Kahit kasi nung hindi pa kami nagkakausap dalawa, mahilig na siyang sumayaw katulad ko. We have performed together as a group countless of times in our school before.

Marami akong crushes and actually, siya yung crush ko sa dance troupe.

I never had the courage to talk to him hanggang sa nagquit ako sa grupo. But unlike Jessie, harmless naman yung admiration ko kay Harley. He's a great dancer and I look up to him. I maybe playful but when it comes to my passion, seryoso ako.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon