Chapter Seven

81 6 0
                                    

HATE ME

CHAPTER SEVEN:

Mag-isa akong naglakad papasok ng campus kanina kaya hindi ko alam kung paano kami nagkasama nitong makulit na lalaki sa tabi ko ngayon.

"So there's nothing going on between you and Bern?"

Parang pati ingrown ko kinikilabutan dahil sa tanong niyang paulit-ulit. "Wala nga," I wanted to add more pero baka lalong hindi siya tumigil at baka may masabi pa akong hindi dapat.

Tsaka si Mike yung tipo na maraming pagdududa sa katawan. Kaya kahit magsabi pa ako ng totoo, hindi parin talaga siya maniniwala. "Ba't ka ba tanong ng tanong?" Curious narin ako kasi parang sobrang eager siyang makakuha ng sagot mula sa'kin.

I saw a hint of panic in his eyes. Saglit lang naman at nawala rin agad. "Just asking for a friend."

Naweweirduhan man sa sagot niya ay hinayaan ko nalang. Para namang hindi rin ako weird na tao. Inayos ko nalang yung camerang nakasabit sa leeg ko because I'm into photography nowadays.

Tapos na ako sa painting a week before last week. Sa nakaraang linggo naman, nawalan na ako ng time kasi Finals Week na namin. Tapos na ang first sem, magbunyi! Nakaraos naman ang utak ko kahit papaano.

Hindi na sana required pumunta ng school ngayon but I got bored plus I needed to test this camera. Baka ito na kasi ang maging last and final hobby ko. Actually, iyon talaga ang main reason kung bakit paiba-iba ako ng pinagkakaabalahan. I wanted to find the perfect hobby for me.

That something that would make me feel better on a very bad day. Yung kapag ginagawa ko, I'll lost myself and my soul into it.

I don't have anything I'm passionate about. Si Lisha sa pagsasayaw. Si Jean sa fashion. Si Roselle naman sa pagkain. They all have those things na magaling sila at gusto nilang ginagawa.

When everything fails to work out, Lisha could be a dance teacher or she can open a dance academy. Jean can create her own clothing line or open a boutique. And Roselle, she could be a mukbang star on YouTube kapag nabagot na siya sa pagpapatakbo ng kompanya nila.

Ako, wala akong ganun.

And I'm looking for it before its too late.

Kasi hindi na ako sigurado sa course ko. If it's not because of Roselle and Jean, baka matagal na akong lumipat ng kurso—o di kaya tumigil na sa pag-aaral. Studying is not really for me.

Kaya ko lang pinagbutihan noon ay dahil gustong-gusto kong maging bagay kami ni Anthony. At 'nong hindi nangyari ang gusto ko, nawalan din ako ng gana. And I hate myself for that.

Naiinis ako sa sarili ko dahil dinepende ko sa ibang tao yung willingness ko to study. I did not do good for me and for my parents, I worked hard for other people. Sa isang lalaki pa, para mapansin. Ang pathetic ko lang.

"Wala ka bang klase?" I asked in an attempt to change the topic. And to avoid the guilt that's starting to creep inside my being.

Hinawi niya yung buhok niya. Napailing ako. Mukhang isa yan sa mannerisms niya. Hindi ko na kasi mabilang kung pang-ilang hawi niya na yun sa buhok niya. Para siyang si Lisha, conscious sa buhok.

"I'm meeting a friend."

'Pag sa kanya talaga, iba ang pagkakaintindi ko ng friend. Grabe siya! Kahit bakasyon, sobrang friendly parin. Ikaw na talaga Mike Angelo!

Sana hindi umabot sa ganitong level ng pagka-friendly si Harley. Baka araw-araw maoy si Lisha pag nagkataon.

"Hoy yung outing natin 'wag mong kalimutan!" Tinuro niya ako. Duh. As if naman hindi siya parang sirang plaka sa gc namin.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon