Jessie's POV
Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ng isang barkada nila kuya Jacob. If I remembered it correctly, ang pangalan niya ay Clark. Kasama rin namin ngayon ni Roselle ang isa pang kabarkada nila na si Harley. The four of us can really feel the awkward silence.
Walang may planong magsalita.
Katabi ko si Roselle at katulad ko ay hindi niya rin alam kung anong sasabihin. Pinakilala kami sa kanila ni Irish isa-isa kanina. Twelve kami lahat na pupunta sa restaurant kung saan siya manglilibre.
Siguro nabingi na si Harley sa katahimikan kaya binuksan niya yung radio. Nagkatinginan kaming dalawa bago sabay na natawa nang marinig yung kantang nakaplay.
Careless Whisper.
Pati si Roselle at Clark ay natawa rin ng malakas. Harley was already doing a funny version of sexy dance sa passenger seat kung saan siya nakaupo while Roselle and I were singing our hearts out. Si Clark ay patuloy lang sa pagtawa habang nakafocus parin sa pagdadrive.
"Careless Whisper lang pala makakatanggal ng awkwardness sa pagitan natin eh." Harley said, still dancing. Ginagaya ko naman yung mga steps niya. Roselle got her phone and took a video of us.
"I'm gonna send this to our group chat." bulong niya pa. Clark heard her and said. "Gawa ka nalang ng GC na kasali kaming pito tapos dun mo isend." he suggested.
Lumiwanag ang mukha ni Roselle at lumawak ang ngiti. "That's a better idea." sang-ayon nito agad.
At iyon na nga ang naging simula ng daldalan naming apat. Ang dating katahimikan sa loob ng sasakyan ay napalitan ng mga tawanan, kulitan, kantahan at sayawan. Parang matagal na kaming magkakilala.
Kumusta naman kaya sila Jean at Lisha sa kabilang sasakyan?