Lisha's POV
Every lyrics of the song Pusong Bato, nilalagyan niya ng movements.
Paos siya dahil para siyang nagwawala at nagsisisigaw sa dance floor kanina kaya hindi niya maabot yung mga high notes pero yung sayaw niya, hataw na hataw parin. I cheered for her.
"Yeah go Jessie!" Naghiyawan din yung mga tao para sa kanya. Panay naman ang oh my god ni Roselle sa tabi ko.
Ginawa niyang upbeat yung kanta. Parang naging hip-hop na interpretative dance pero mabilis.
Nakakaaliw siyang panoorin.
Halfway through the song, bigla siyang tumigil. "Aish ubos na dance steps ko. I'll only sing nalang ha?" Feel na feel niya talaga yung audience.
Nag yes kaming lahat bago siya nagpatuloy. Sinasakyan namin yung trip niya sa buhay.
Napansin ko nalang si Jean kasama si kuya Jacob and his gang. Nasa likod na pala namin sila.
Nakangiti silang lahat except kay Slater yata. Hindi ko sure. Even Jessie's crush is smiling. That's when I noticed him.
Si Harley Salvador.
Hindi siya nakangiti but his eyes were sparkling while watching Jessie.
Like he fell in love, at first sight.