Monday came and I'm already at ease. I finally found my date for the ball.
May practice kami sa cotillion. Basta yung sayaw sa gitna. For this dance, naka-assign yung partners namin. We will dance with someone from our batch. After that, pwede na kaming isayaw ng mga kadate namin.
I really don't get the logic behind bringing other people kung sa table naman ay mga batch mates mo parin, classmates or even "strand mates" yung makakasama mo. Our so-called date would be left together with the other plus ones on a separate table.
So basically, we only need them as a partner for the entrance. Sa buong gabi, after ng program proper lang ulit namin sila makakasama.
But not in my case.
"I hate dancing," bulong ko kay Harley na partner at mismong kadate ko para sa gabing iyon. Nakangiti na naman siya at halatang excited ng matuto.
He beamed even more. "Don't say that. Just follow my lead and you'll be fine," he assured me. Medyo wala talaga akong tiwala sa dancing skills ko kaya hinanap ko si Lisha.
Hihingi ako ng tips.
I saw her standing alone beside the bleachers. Sa field pa kasi kami magpapractice dahil inaayos pa daw yung sound system sa gym.
Wala namang difference. Kahit sa field or sa loob ng gym kami magpractice, wala paring music. Sana sa gym nalang kami kasi ang init ngayon.
Parang may hinahanap si Lisha dahil kanina niya pa nililibot yung paningin niya sa paligid. She haven't seen me yet.
Tumakbo ako palapit sa kanya. When she saw me, mabilis niyang tinago ang kamay niya sa likod. Napakunot ang noo ko but I smiled and wave at her.
"Saan ka galing? Ano 'yang dala mo?" Imbes na ipakita, mas lalo niyang tinago yung kamay niya.
"Nothing," patay-malisyang sagot niya. "I was with Roselle but she went to find Mike. Kagabi niya pa raw kasi hindi macontact. I haven't seen Jean since this morning. Nakausap mo ba siya?"
Halata ko ang kagustuhan niyang ibahin yung topic. Hinayaan ko nalang yung nakita ko at hindi na nagtanong. "Not really. Baka dinalaw na naman yung stylist niya," biro ko.
Hilaw siyang tumawa. "Baka nga."
"Is Harley really that good in dancing?" tanong ko nalang pero mabilis akong nagsisi. Patay na! Crush niya pala yung kadate ko!
"He's not only good, he's great at it," I can hear the enthusiasm in her voice. She's smiling like she remembered a beautiful memory. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt. "Bakit mo pala natanong?"
"Ahh wala. Curious lang."
Magpapaalam na dapat ako nang biglang sumulpot si Harley sa tabi ko. Lord, wag naman sana siyang dumaldal kay Lisha. I need to say it to her personally and explain.
"Hi Lisha!" magiliw na bati niya sa kaibigan ko. Lisha only nodded.
Wala pang nasasabi si Harley ay dumating din si kuya Jacob na may dalang bulaklak. I saw a sunflower on the bouquet and smiled because it's my favorite. Para kanino kaya 'yan?
"Oyy chocolates. Pahingi naman." Hinablot ni kuya yung kanina pa tinatago ni Lisha sa likod niya.
Walang nagawa si Lisha nang suriin ito ni kuya gamit ang isang kamay. "Customized ba 'to?" He asked while looking at the chocolate na parang emoticons yata. "Did you made these?"
Hindi sumagot si Lisha pero binawi niya yung chocolate at tinago ito ulit.
At dahil hindi nakakatagal si Harley ng tahimik, he broke the silence by asking, "May date na kayo sa ball?"
Uh-oh. Not that question!
Hinawakan ko ang gilid ng shirt ni Harley and tugged it, signalling him that we need to go.
Pero hindi niya naramdaman.
"Wala...pa. Ikaw meron na?"
Nagdasal ako na sana 'wag sagutin ni Harley yung tanong ni kuya but it's no use. "Oo." nakangising sagot niya bago niya hinawakan ang braso ko.
"Si Jessie."
Sabay na naglaglagan ang hawak na box ng chocolate ni Lisha at bulaklak na dala ni kuya Jacob.