Chapter Eight

112 6 1
                                    

HATE ME

CHAPTER EIGHT:

"Saan mo ako dadalhin Jessie? Kidnap 'to noh?! Oh my gosh! Bitawan mo ako! Tuloooooong! Saklo—"

Binatukan ko ang OA na si Atlas. "Ulol! Manahimik ka nga diyan! May kikitain lang akong kaibigan. 'Wag kang praning!" Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa braso niya para hindi siya makatakas.

Dapat isa kila Jean yung kasama ko ngayon kaya lang busy silang tatlo. Lisha's attending an event for a local choreographer. Si Roselle, magfo-food hunt mag-isa sa lugar na siya lang ang nakakaalam. Si Jean busy magdesign sa Christmas Tree ng bahay nila.

Si Atlas lang yung libre ngayon.

Ayoko namang magpasama kila Harley dahil alam ko ring busy sila at may kanya-kanyang ginagawa. Tsaka mabuti naring si Atlas yung kasama ko. Madaldal siya at sure ng hindi mapapanis ang laway ko.

Habang naghihintay kami para makatawid sa kabilang kalsada, binasa ko muna yung dalawang texts na natanggap ko kanina.

From: Bern Anthony

Busy?

From: Slater

Malapit ka na?

Una kong nireplayan si Anthony at sinabing may lakad ako ngayon. Sunod naman si Slater. I told him papunta na ako and asked if it's okay to bring someone with me. Kahit hindi naman okay sa kanya, dadalhin ko parin 'tong si Atlas para may kasama ako. Pangsangga sa awkwardness!

Imagine how shock I was nang makatanggap ako ng text mula sa isang unknown number na nagpakilalang si Slater. Akala ko ibang Slater but he introduced himself formally. Complete with address and other personal details. May email pa nga siyang binigay.

Gusto niyang makipagkita dahil may pinapabigay daw si Irish. I'm guessing it's a gift kasi malapit na nga magpasko. Natouch naman ako knowing na naiisip niya parin kami kahit wala ng communication.

Pero hindi parin talaga ako makaget-over sa gulat ko kay Slater. Ang tindi ng kaba ko eh. Akala ko kung anong kailangan niya sa'kin. Ang aga-aga niya pang nagtext. Buti nalang at gising na ako kaya nabasa ko agad.

"Yung Bern ba yung kikitain mo?"

Pino kong kinurot si Atlas kaya napaaray ang mokong. "Wag ka ngang magpapaniwala kay Roselle at Lisha. Alagad ng fake news ang mga yun."

"Eh sino ba kasi? Nakakahiya naman sa'kin na bigla mo nalang hinila habang nagluluto kung hindi mo sasabihin," sarkastiko niyang sabi. "Para naman alam ko kung sasabunutan ba kitang gaga ka o kakaratehin para sa pandadamay mo sa'kin dito."

Natawa ako dahil inis na inis talaga siya. "Sorry naman. Ikaw lang kasi yung hindi masyadong importante yung ginagawa."

Hinawakan niya ang dulo ng ponytail ko at mahina itong hinila ng isang beses. "Anong hindi importante? Gaga ka talaga! Nagpapraktis ako ng mga lulutuin namin ni Tita sa Noche Buena!"

"Hindi ka uuwi sa Cebu?"

"Dili kay naa didto akong ex."

"Ha?"

"Hambot nimo dzae!"

"Nagiging alien ka na naman... pero sabi mo ex—" I gasped. "May ex ka sa Cebu?!" Gulat na gulat na tanong ko.

"Meron," chill na sagot niya naman.

"Kaya ka ba lumipat dito? Iniiwasan mo siya?"

"Hindi ah! May oppurtunity lang talaga na dumating kaya napadpad ako dito. Tsaka masaya na yun ngayon. May iba na nga eh."

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon