Grade 12
I finished the first grade of Senior High with the highest honor.
The girls were so proud pero hindi parin sila tumigil kakatanong kung anong dahilan bakit bigla akong nagseryoso sa pag-aaral.
I told them I like someone.
Gulat sila nang malamang gusto ko si Bern Anthony Rama.
***
18th Birthday ni Jean, invited siya dahil kaibigan siya ng kuya ni Jean.
Nandito silang lahat ng barkada niya. They're like the Elite Seven of STEM 1.
Sikat sila sa school namin dahil bukod sa gwapo naman talaga sila, marami silang talent and skills.
Kaya nga gusto kong baguhin ang sarili ko. Gusto ko kasi na kapag nagtapat na ako sa kanya, bagay na kami.
"Pakilala mo naman ako kay Bern." I told Jean nang mapapad na siya finally sa table namin. Ang dami kasing bisita ng birthday girl.
"Kilala ka na niyan." sabi naman niya.
"Weh? Sige na kasi. Pakilala mo na ako sa kanya." pamimilit ko pa.
"Okay fine."
Nataranta naman ako. "Ngayon na? As in now?" teka lang, parang hindi pa kasi ako ready. Kinabahan ako bigla.
"Jessie ano? Gusto mo ba o hindi?" naiinip na tanong niya.
"Sama natin sila Lisha."
"Gaga ka! Kanina ang tapang-tapang mo ngayon naduduwag ka na."
"Eh baka kung anong gawin at sabihin ko kapag nagkaharap kami."
Natawa si Jean. "Right. We should bring Lisha and Roselle. Baka sunggaban mo si Bern at matakot sayo yung tao."
"Ang sama mo!" I shouted behind her dahil nauna siyang maglakad para puntahan si Jean at Lisha na ginawang tambayan ang buffet table.
***
In the end, sinama narin namin si kuya Jacob. Nagulat pa siya dahil mismong si Jean na ang nag-ayang ipakilala kami sa mga kaibigan niya.Apparently, kuya Jacob's been wanting to introduce them to us for a long time now. Ayaw lang talaga pumayag ni Jean. Grade 7 pa yata kami nang sabihin ni Jean yung gusto ng kuya niya. Hindi rin kami pumayag kasi ewan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak na'min noon.
"Are you seriously okay with this?" panglimang beses na yatang tinanong sa amin ni kuya Jacob yan.
"Come on kuya. Ipapakilala mo ba kami o hindi?" naiinis na si Jean.
Napalunok ako. Mukhang mag-aaway pa ang magkapatid dahil sakin.
"Technically, sila lang ipapakilala ko kasi kilala ka na nila--"
"Kuya..." Jean groaned impatiently.
Tinaas ni kuya Jacob yung dalawang kamay niya bilang pagsuko. "Okay fine. Fine. Relax Jean Ruby. Chill."
"You girls are scary." bulong niya pa habang naglalakad na kami papunta sa maingay na table nila.
This is it Jessie.
Bern will finally know you're existing.
***
Hindi ko kaya.
Nawala lahat ng confidence na inipon ko nang magkaharap kami kanina.
Hindi pa nagsimula si kuya Jacob sa pagpapakilala sa amin ay dali-dali akong nagpaalam para magCR at kumaripas ng takbo palayo sa kanila.
Nagtago ako sa loob ng bahay nila Jean. I stayed in their living room. Tinanong pa ako ni Tita kung okay lang ba ako. I told her I'm fine and that I'm just dizzy from the alcohol kahit hindi naman ako umiinom ng alak. Naniwala naman si Tita at dinalhan pa ako ng gatas.
Sunod-sunod na nagvibrate ang cell phone ko. Sigurado akong pinagagalitan na ako ni Jean at Roselle habang pinagtatawanan ni Lisha ngayon. Gosh. Nakakahiya pala yung ginawa ko kanina. Nakakahiya kay kuya Jacob at sa barkada niya.
Nakakahiya kay Bern!