Bumuntonghininga si Bern.
Ginaya ko.
Parang parehas kaming naglalabas ng bigat sa kalooban.
I had the urge to repeat the question pero sinagot niya na ito.
"Yeah, I had a crush once. I liked this girl for a year. Grade 7 yata nagsimula. Hindi kasi siya namamansin. Ang lakas ng dating niya kaya ang hirap lapitan. Todo papansin naman ako. First time kong magkacrush kaya ginawa ko lahat ng nasearch ko sa internet."
Naisip ko siya na gumagawa ng paraan para mapansin ng crush niya. Parang ako lang sa kanya.
Gumawa rin kaya siya ng plan?
Sure akong taga school lang namin yung crush niya. Pero sure rin akong hindi ko kilala. Hindi ko siya kaklase nung Grade 7. Eighth grade lang kami nagkaclassmate but I was too busy fangirling with Jean, Lisha and Roselle.
Puro BTS laman ng utak namin noon.
Sobrang against sa K-pop at K-drama yung mga kaklase namin kaya parang it's only the four of us against the world.
Hindi ko nga alam na classmates pala kami ni Bern. It was only when Kuya Jacob visited our classroom at nagka-usap silang dalawa.
Alam ko naman na kaibigan ni Bern si Kuya Jacob, I just didn't know that we were in the same room for almost a month. Hindi ko siguro napansin agad kasi hindi pa ako makaget-over sa choreography ng Fire at Blood Sweat and Tears.
Ngayon, casual listener nalang ako. Pero bumabalik parin sa utak ko yung hip thrust nila from time to time.
Gosh. Ang sexy ni Jungkook!
Nabalik ako sa present time nang magpatuloy sa kwento niya si Bern.
"While waiting for her to notice me... I fell in love with Irish Shane."