046

174 4 0
                                    

Roselle's POV

"Mauubos kaya 'to ni Jessie lahat?" tanong ni Lisha habang naglalakad kami papunta sa room ng mga boys para tawagin si Kuya Jacob. Kailangan din kasi namin siyang sabihan na susunod si Irish dito. I know alam niya kung anong gagawin para hindi muna kumain ng lunch yung mga kaibigan niyang unggoy para maging successful yung surprise ni Irish for Bern.

"At sinong may sabi na si Jessie lang ang kakain ng mga 'to ha?" naka evil smile na sagot ko sa kanya. Of course I'll eat it with her. Gutom parin kasi ako hehehe.

"Just as I thought hahahaha."

"Gising na kaya sila? I hope Jean is right. Sana si Kuya Jacob palang yung gising sa kanila."

Humarap si Lisha sa akin para maglakad ng patalikod. "Well I'm pretty sure Harley's awake already. Maagang nagigising yun para gawin yung morning routines niya."

"Huwaw! Alam na alam!" 

"Malisyosa ka! Nakasama ko yun sa dance troupe for years at sa isang dance camp for almost a month kaya alam ko. Bilisan mo na nga. Ang bigat ng mga dala natin tapos ang bagal-bagal mo pa? Pagong ka ghurl?" kunwari naiinis na siya kaya kunwari rin hindi ko halata pagiging defensive niya. Halata namang crush niya si Harley pero secret lang muna natin yun sa ngayon. Medyo shy pang magshare yung kaibigan ko eh.

"Hala wait! Sinong kakatok?" napatigil ako sa paglakad para itanong yun.

"Malamang ikaw." Lisha answered while grinning.

"Hala whyy?"

"Kasi ikaw yung huling makakarating 'dun ahahahaha." nakatawang tumakbo si Lisha palayo bitbit yung limang plastic bags na may lamang pagkain.

"You cheater!" I shouted as I struggled running after her. How can she manage to run while carrying those heavy freaking bags? Para ngang mahihiwalay yung mga kamay ko sa katawan ko sa sobrang bigat. But I'm doing this for free food kaya chicken wings, humanda ka sa'kin mamaya!

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon