Hinayaan ko siyang magsalita. Hinayaan kong maglabas ng sama ng loob. Hinayaang umiyak.
"I understand that she needs to leave. I accepted her reason. Ang hindi ko matanggap ay ang katotohanang mangyayari ito. Na aalis siya papauntang Canada at iiwan niya ako. It's really happening Jessie."
First time kong makakita ng umiiyak na lalaki. Ganito pala yung pakiramdam. Parang dinudurog yung puso ko.
I know it wasn't easy for him to be this way. To let it out and breakdown in front of someone.
Ang tapang ni Bern.