"Saan ba kasi tayo pupunta ha?" pinipilit kong magmukhang masungit kahit kaninang umaga pa napupuna nila Roselle ang malawak na ngiti ko.Hindi naman ako excited sa lakad namin. Medyo lang. Sakto lang.
"Secret nga." Natatawang sagot niya habang nagmamaneho.
"Okay." I had to bite my inner cheek para hindi ako ngumiti.
Walangya! Kahit anong pagmomove on yung sabihin ko, kung hindi ko naman ginagawa... wala rin. Crush ko parin eh.
Inaamin ko na. Gusto ko parin siya.
"We're here." Nasa parking lot na kami ng isang mall. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Pinipilit kong 'wag kiligan pero masyadong mahirap. Para na akong maiihi sa pagpipigil dito. Date ba 'to?
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Dapat pala nagpalit ako ng damit. Nakauniform pa kasi ako.
"Kain muna tayo bago tayo dumiretso sa pupuntahan natin." he said. I nodded, not knowing where this is going to. Manonood ba kami ng movie pagkatapos? Arcade?
Pagkatapos naming kumain umalis kami agad. Mukhang nagmamadali na kasi siya. Hindi na nga kami nakapag-usap ng maayos habang nagdidinner.
"Anong gagawin natin dito?" I asked when we entered a store. Parang tindahan ng mga supplies for events.
"Bibili ng decorations."
Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Para saan?" Nagtatakang tanong ko.
Sa pagkakaalam ko kasi hindi niya naman birthday ngayon. Matagal pa ang kaarawan niya. Tapos na rin yung birthday ko. Wala rin namang may birthday sa barkada so why would he buy decorations? What for?
He gave me a smile. Isang ngiti na hindi mo matatanggihan. "I'm going to surprise Irish and I want you to help me prepare." Sagot niya sakin.
"Aahhh."
I cursed myself.
Shit Jessie. Ba't ang tanga mo?