Jean's POVWe went back for Jessie after cooling down. Iritado parin talaga kasi kami sa biglaang pagkawala niya kahapon para lang kumain ng manok. We know she's capable of doing that but it's also inevitable that we worry for her.
Kaso nakakakonsensiya na. Kanina pa hindi mapakali si Roselle kaya imbes hanggang hapon pa yung galit namin, naputol at naging hanggang 10 AM nalang.
Lisha was even more adamant to forgive Jessie nang sabihin ni Irish na susunod siya sa amin. Siguradong nagdadrama na naman ang isang yun. Lalo na't medyo nagiging close na sila ng crush niyang si Bern. I know she told us she'll be moving on pero hindi madaling kalimutan ang taong naging dahilan kung bakit siya nagpupursige sa pag-aaral.
I witnessed how Jessie drastically changed nang magkagusto siya kay Bern. She is not particularly the serious type when it comes to studying. Sa aming apat na magkakaibigan, silang dalawa ni Lisha ang pachill-chill lang sa klase.
Yung okay na sa kanila kahit hindi mataas yung grade basta pasado.
But when she told us one day that she likes Bern, biglang naging tambay siya sa library kasama namin ni Roselle para mag-aral.
Pati si Lisha ay naimpluwensiyahan niya. Madaling magsawa si Jessie kaya inakala naming tatlo na magkakagusto agad siya sa iba. Pero kahit hindi siya pinapansin ng crush niya, nakontento siyang hinahangaan at ginugusto ito mula sa malayo. Ngayong taon lang talaga siya nagkalakas ng loob na kausapin ito ng hindi umiinom ng alak para tumapang.
Naabutan namin ang sobrang lamig na kwarto and found Jessie curled up in the bed she shared with me.
"How can she sleep again when she went to bed early last night?!" Lisha whined. Clearly too pissed yesterday to even realize that Jessie was only pretending to sleep early last night.
"Siguro hindi pa 'to kumakain." nag-aalalang sabi ni Roselle habang inaayos ang kumot sa katawan ni Jessie.
I sighed in defeat when I saw our friend's sleeping form.
"You two should guard the boys and distract them before Irish arrives. Ako na magbabantay sa pasaway na 'to." tinuro ko ang natutulog na si Jessie. "But before that, daan muna kayo sa restaurant kung saan siya nakita ni Bern kahapon. Bilhin niyo lahat ng klase ng luto ng manok tapos ipahatid niyo kay kuya Jacob dito. Kanina pa gising yun. Tinatamad lang bumangon."
Mabilis na umalis sina Lisha at Roselle. Baka kasi magising din agad si Jessie kaya nagmadali sila.
Napabuntong-hininga ulit ako. Alam kong hindi lang kami ang dahilan kung bakit pinili niyang matulog nalang dito sa kwarto. She's surely affected by Irish's news kanina.
Sana talaga totoo yung sinabi niyang kakalimutan niya na yung feelings niya for Bern. Gusto kong sumaya si Jessie pero sa mga nangyayari ngayon, siguradong masasaktan lang siya.
Hindi ko nga maintindihan yung mga taong nagsasabing delikado raw yung bad boys. Sa tingin ko kasi mas dangerous yung mabait.
He'll be sweet and caring at kapag nilagyan mo ng ibang meaning yun, patay ka. Kapag nafall ka dahil sa kabaitan niya, talo ka na.
Good boys treats every girl special. At kahit ipaglaban mo sa buong mundo na iba ka sa lahat ng babae sa buhay niya, babalik at babalik parin kayo sa pagiging mabait niya. Hanggang sa isumpa mo nalang yung ugali niyang yun.
Kapag bad boys kasi madali lang malaman kung gusto ka ba nila o hindi. Kapag mababait, mahihirapan kang mag-differentiate kung as a friend pa ba yung pinapakita nila sa'yo or may pinapahiwatig na. Kasi consistent sila sa lahat ng bagay.
You can't even be mad at them kapag nahulog ka na sa kanila. Ikaw yung umasa kahit hindi ka pinaasa. Ikaw yung naglagay ng ibang kahulugan sa mga kilos niya. Ikaw yung nag-assume kaya wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang.
At ayokong mangyari yun kay Jessie.
She's too precious for that.