Chapter Eleven

74 5 0
                                    

HATE ME

CHAPTER ELEVEN:

When we arrived at the resort, it was unusually quiet.

“Is it just me or something happened to them on their way here?” pabulong kong tanong kay kuya Jason habang binababa namin mula sa sasakyan ang mga bagaheng dala.

“Hindi ko rin alam,” sagot ni kuya.

Pagkarating namin dito, halos nakarating na lahat except kuya Jacob na kasabay si Atlas tapos si kuya Glen at ang girlfriend niya. Lahat kasi ng nandito na, nag-inform sa group chat (ayun sa gusto ni Mikey boy).

We went inside to check if they’re indeed here pero naabutan naming nakatulala si Mike at Harley sa malawak na living room ng villa na tutuluyan namin for the next four to five days. Nakakapanibago dahil pareho silang tahimik at walang imik. Parehong malalim ang iniisip.

Huli kaming nakarating dahil sa kabagalan ni kuyang kumilos. We argued pa kanina because he haven’t pack anything yet. Ako pa mismo ang naghanda ng mga gamit niya while he took his sweet time bathing. I had to deal with my parents questions too because this brother of mine forgot to ask their permission again. Sabi ko kasi ako nalang yung magpapaalam para sa’min but he insisted to do it. Nakalimutan niya kaya muntik pa kaming hindi payagan kanina. Buti nalang good mood si mama kasi may bago siyang biling halaman and at the mere mention of kuya Jacob’s name, pumayag agad si daddy while smiling meaningfuly at me.

Silang dalawa pa lang ang nakikita namin. Nang tinanong ko naman kung nasaan sila Lisha, tinuro lang ni Mike ang second floor and briefly said, “Tulog.” Si Harley naman parang wala sa planet Earth yung utak at hindi man lang kami napansin.

Nahihiwagaan kaming lumabas ni kuya sa villa at inasikaso nalang yung mga dalang maleta.

I brought a luggage dahil ayokong maulit yung nangyari sa Parkplace. Kung magkagulatan man kami ngayon, hindi ko parin masusumpa si Mike dahil ready ako. I reminded the girls about it too kaya paniguradong parang pang-isang buwan din yung mga dala nilang gamit ngayon.

Nasaan kaya yung iba naming kasama?

While kuya was still checking if our things were complete, tinakasan ko siya para maunang umakyat sa taas. Gusto kong kumpirmahin kung talaga bang natutulog sila Lisha at nandito na sila.

I even heard kuya calling for me para kargahin ko yung bagahe ko papuntang room namin but I shouted back a: “Ikaw na mag-akyat kuya. Labyuu!”

*****

Iniwan ko sila Jean na tulog parin. Magkatabi si Lisha at Roselle sa kama tapos si Jean naman at ako sa kabila. Our room is very cozy. Mula sa malaking bintana ay makikita ang dagat which was nice.

After unpacking, wala na akong magawa. Hapon na at medyo matagal pa bago mag-dinner. Naisipan kong kumain pero ramdam ko parin yung tanghalian namin ni kuya sa tiyan ko.
Wala pang isang oras mula ng makarating kami dito but I’m already bored. I tried sleeping pero hindi ako makatulog so I decided to take a stroll alone since wala pa sa tamang wisyo ang official tour guide namin na si Mike dahil tulala parin. Harley’s probably asleep already.

Outside, I bumped into Slater and Clark who were both smiling. Slater even greeted me first which was surprising dahil hindi naman siya namamansin kapag hindi inunahan. Clark was being talkative too. Nagkwento pa siya na inubos daw ni Roselle lahat ng baon niyang snacks. Napagod yata kakapapak ang gaga kaya knockdown agad.

Sumama ako sa kanila dahil wala naman akong ibang makausap. I was wondering why they’re wet when Slater said na hinahanap pala nila si Anthony dahil bigla nalang daw itong nawala when they decided to take a quick dip. Akala daw nila nauna itong umahon but his slippers and watch were still in the place where they left their belongings.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon