HAPPY SANA ALL DAY!!!
AYYY HAPPY VALENTINES DAY PALA.
May date ako ngayon, apat!
Mainggit kayo please. Ganda ko 'diba?
GANDANG-GANDA SA SARILI MWAHAHAHAHA
But seriously though, I have four scheduled 'dates' for today.
JESSIE'S OFFICIAL SCHEDULE FOR FEB. 14
08:00 AM-12:00 PM----- ATTEND DANCE WORKSHOP WITH LISHA
12:00 PM- 04:00 PM----- SHOPPING WITH JEAN
04:00 PM-08:00 PM----- WATCH A CONCERT WITH ROSELLE
08:00 PM ONWARDS---- FAMILY DINNER WITH KUYA JASON, MAMA AND PAPA
Fully booked ang beauty ko ngayong araw ng mga puso. Sana all right?
Who needs a romantic date when you have your family and friends?
It's up to you on how will you spend the day and who will you spend the day with. Kapag wala kang natanggap na regalo, chocolate o bulaklak.. hindi ibig sabihin 'nun na hindi ka na espesyal.
You are special every single day.
Iba ka sa mga nakikita mo sa social media. 'Wag mong ikumpara sarili mo sa kanila. MASASAKTAN KA LANG! Charot only. Basta there are other ways to celebrate valentines. Kung wala kang jowa, MAGHANAP KA! Charot again. Pasensiya na kung ang panget nga motivation speech ko. Hindi naman kasi po ako motivational speaker hehehe.
So according to my schedule, si Lisha ang makakasama ko ngayong umaga.
It's seven in the morning already. Nakabihis na ako ng dance attire at hinihintay nalang si Lisha. We'll grab something to eat on the way nalang daw para hindi kami matagalan kasi ayaw niyang ma-late. I also brought my gym bag with me na may lamang damit na pamalit, tubig at mga kaartehan sa katawan na kailangan ko to freshen up after the sweaty session.
I can dance but I'm not as good and as passionate as Lisha.
Bukod sa pagkain, isa rin ang pagsasayaw sa mga sineseryoso niya sa buhay. Magaling na siya but she still wants to train kaya sinasamahan namin siya sa mga workshops niya from time to time. Minsan si Roselle o si Jean yung sumasama, madalas ay kaming apat talaga.
May mga pagkakataon din na sumasama si Kuya Jason but not to dance, sumasama siya para magbantay. Medyo praning talaga 'tong pamilya ko. Buti nga tulog pa si mama at kuya kaya si manang lang yung kasama ko dito sa labas para maghintay. Si papa naman kaninang madaling-araw pa daw umalis for work.
Hinihintay kong tumawag si Lisha pero text message galing kay Bern ang natanggap ko. Tsk. Ano na naman kayang kailangan nito eh ang aga-aga pa?
FRI AT 07:30 AM
Bern:
HAPPY VALENTINE'S DAY JESSIE SHANE!
Sana magkajowa ka na next year HAHAHAHAHAHA
Jessie:
OGAG!
Happy Valentine's Day din Bern Anthony.
It won't take that long. Baka mamaya makahanap na ako hahaha charot lang. May kailangan ka noh?
Bern:
Grabe may kailangan agad. Di ba pwede gusto lang kita batiin kasi paniguradong walang babati sa'yo HAHAHAHA
Jessie:
Weh? Halata kasi masyado.
Baka di kita matulungan. Busy akong tao Berntong. Marami akong date ngayon.
Bern:
Hoyy wag mo ngang babuyin pangalan ko!
Jessie:
Whatever Berntong! What do you need ba? Wag ka mangulit ngayon please. Ayokong mastress maawa ka.
Bern:
May mga kadate ka talaga ngayon?
Seryoso?
Jessie:
Oo nga kasi.
May date kami ng mga Minions ngayon.
Bern:
HAHAHAHAHAHA LAPTRIP KA
AKALA KO TOTOO HAHAHAHAHAHAHA
Jessie:
Tawang-tawa?
Eh di ikaw na may Irish. Sana hindi ka niya pansinin buong araw animal ka!
Bern:
Bawiin mo nga yan. Kapag iyan nagkatotoo ipakukulong kita sa Jail Booth kasama si Slater HAHAHA
Jessie:
Pwedeng magrequest? Pwede ikaw nalang kasama ko? |delete
Eh di gawin mo. Ba't ako matatakot sa antuking multo na yun? Tsaka hindi naman kami papasok nila Jean today kaya hindi mo ako makikita sa campus mwahahahaha
Bern:
Ang daya niyo naman. Ipapakasal ko pa naman sana si Jean kay Slater, si Clark at Roselle tapos si Glen at Lisha.
Jessie:
Kung mahal mo pa buhay mo, hindi ko gagawin yan. First of all, papatayin ka ni Kuya Jacob kapag pinagtripan mo si Jean kaya ayusin mo mga desisiyon mo sa buhay
Bern:
Ikaw din pala tsaka si Harley AHAHAHAHAHAHA
Jessie:
Abnormal ka talaga!
Bye na nga😒
Sana maging masalimuot Valentine's day mong bwisit ka!!!