Epilogue/Prologue/Chapter One

158 6 3
                                    

HATE ME

College is indeed different from high school but somehow, my friends makes me feel that everything is still the same.

Hindi na yata talaga kami magkakahiwalay nila Jean, Roselle at Lisha. Kung walang forever sa pag-ibig, kaming apat naman ay may forever sa friendship. Shet. Corny ko amp!

"Kainis yung isa kong prof, ang inconsiderate!" Nakangusong reklamo ni Lisha habang tumatambay kami sa library.

Actually, wala kaming time para tumambay dito considering how busy we are. Nagkataon lang talaga na pareho kami ng vacant time at hassle na kung lalabas pa kami ng campus so we opted to spend the entire hour here. Wala naman kaming gagawing schoolwork—I think? Jean will tell us naman kung meron.

Pareho kaming apat ng course pero dahil tamad si Lisha, late na siyang nagpaenrol kaya hindi niya kami kablock.

Ewan ko sa isang 'yan. She went missing in action the whole vacation. Sa pasukan nga lang namin siya nakita ulit. The reason for her sudden disappearance? Dancing! May iba pa ba?

Nagpunta siya ng LA para lang sumayaw!

Pero alam naman namin kung bakit siya nagtagal doon kahit hindi niya sinabi. It was to dance and probably to forget that someone who likes to dance. Ang ironic ng paraan niya kaya siguro hindi gumana. Syempre sa labas pa lang ng dance studio, maaalala niya kaagad si Harley.

Hindi ko tuloy alam kung nagmove on ba siya sa Los Angeles o mas lalong nagpalalim ng feelings!

"Ba't kasi nawala ka ng matagal? Hindi ka tuloy nakapili ng magandang schedule." Roselle countered, secretly eating the food she brought inside. Nakatago ito sa bag niya dahil bawal. Patingin-tingin naman siya sa paligid, nag-iingat sa Librarian.

'Pag siya talaga nasita, naku, pati kami damay!

"Nagawa ni'yo na yung assignment for our last subject?" Biglang nagsalita ang nananahimik na si Jean. She was busy rewriting her notes sa binder niyang super thick kaya hindi na namin siya inabala.

"May assignment?" Parang tangang tanong ni Lisha. Hindi ko alam kung fortunately or unfortunately pero may isang subject kami sa M-W-F na kaklase namin siya.

"Katatapos ko lang," sagot ni Roselle. Kaya pala pachill-chill lang siya at pakain-kain nalang. Iyon yata yung sinusulat niya kanina.

"One-half yellow paper, right?" paninigurado ko bago kumuha ng papel para magsimula ng magsagot. Limang questions lang naman 'yon about sa topic last meeting kaya madali lang.

Bago ko pa mailabas completely yung paper sa bag ko, hinablot na ito ni Lisha. "Pahingi ako." She also grabbed Roselle's paper. "Pakopya—ay patingin pala," she feigned an innocent look. "Kukuha lang ako ng ideas."

Napairap nalang ako at kinuha yung other half ng papel na hinati niya. Hiniram ko naman yung paper ni Jean to copy the questions.

Bumalik na ulit ang katahimikan sa table namin dahil abala ang dalawang maiingay. Syempre, hindi ako yung isa. It's Roselle—na kumakain and Lisha—na nagsusulat. Pwede ring ako, depende sa situation.

Nag-iisip ako ng sagot nang magsalita na naman ulit si Jean. She's not normally a silent person but if it's not needed, pinipili niya talagang huwag nalang magsalita. Nakakatamad daw kasi.

"Slater invited us over for dinner on his birthday."

"Oh, nagbibirthday pala ang mga labanos?" Nakuha pang magbiro ni Lisha kahit may ginagawa na nga. "Kailan daw?"

"Bukas." Tipid na sagot ni Jean sa kanya.

"May pasok ako sa umaga." Kahit hindi ko tignan ay alam kong nakapout na naman si Lisha ngayon.

Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon