Nagising ako dahil sa init. I remembered turning the aircon on before sleeping, what happened?
Bumangon ako at nakita si Jean na nakaupo sa gilid ng kama. "Good, you're awake now. Akala ko buong araw kang matutulog." she said.
"Anong oras na?" namamaos na tanong ko sa kanya. Sinubukan kong hanapin yung phone ko pero hindi ko makita. Baka natabunan lang nitong mga kumot.
"Hapon na."
"Huh? Paano nangyari yun?"
Tumawa si Jean at hinila ako paalis sa kama. "Lunch pa lang. Saglit ka lang nakatulog gaga ka. Halika na at baka inubos na ni Roselle yung pagkain na para sa'yo."
Naguguluhan man ay sumunod ako sa kanya palabas. "Si Irish dumating na ba?" I asked and regretted it immediately afterwards.
Binigyan niya muna ako ng isang makahulugang tingin bago sumagot. "She's here na pero hinahanda parin yata nila yung surprise. Kasama niya si Lisha, Roselle at kuya Jacob na kanina ka pa hinahanap. Seriously, may gusto yata yung kapatid ko sa'yo."
I slapped her arm playfully. "Adik! Binilin lang siguro ako ni kuya sa kanya kaya ganun. Alam mo naman si kuya Jason masyadong OA."
"But what if may gusto nga yung kuya ko sa'yo? Anong magiging reaksyon mo?" nagkatinginan kami ni Jean, matagal at nakakailang.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Ewan ko Jean."
She pouted. "Try ko nga asarin si kuya. Baka biglang umamin hahaha. Tara na nga." she held my hand and dragged me. "Naunahan mo pang gumising yung mga kaibigan ni kuya. Napagod yata sa paghahanap sa'yo kahapon."
Sumimangot ako. "Jean naman eh. Sorry na nga eh. Nakalimutan ko lang naman magpaalam kasi masyado akong naexcite."
"Haha oo na. Nagtatampo lang kami nila Roselle at Lisha. Sorry 'din kasi iniwan ka namin kanina. Pero baliw ka ba talaga?! Bakit hindi ka lumabas para magbreakfast?"
Dapat kasi sasamahan ako ni Bern kumain pero.. "Hehe nakatulog ako ulit eh." sabi ko nalang.
"Namamaga 'yang mga mata mo. Kung hindi ko alam na bagong gising ka, iisipin ko umiyak ka eh."
Halata ba?