LOVE MECHAPTER ONE:
Kung ako lang ang papipiliin, mas gusto ko talagang itulog nalang ang two weeks naming sembreak. Pero may mga kaibigan akong sagana sa social life. And they wouldn't let me sleep in peace hangga't hindi nila ako napipilit sumama. That's exactly what is happening right now.
Before me, stand three girls creating havoc inside my room.
Una, gulong-gulo na yung closet ko dahil kay Jean and there's a tall pile of clothes in my bed too. Then there's Roselle na kumakain habang binabash yung makeup kit ko kasi ang dami raw kulang. Lastly, si Lisha na ginawang background ang kaguluhan sa kwarto ko para sa vlog niya.
Nahihilo ako sa ingay.
"Where was that blue gown I gave you last year?" Jean asked while casually throwing the pieces of clothings she did not approved. Magkaiba kami ng taste sa fashion kaya baka maubos na yung mga damit na laman ng closet ko dahil walang pasok sa style niya. "Exactly how many white shirts do you have?" she was frowning like she's so dissapointed.
"Ten?" di ko sure na sagot. Inis na inis talaga siya kasi para na raw akong naka-uniform every time pumapasok ako kasi I wear the same thing every day. White shirt tapos high-waisted jeans or shorts. Sometimes, I wear cropped tops or off-shoulder tops pero puti rin. Kapag nag-iba yan ng kulay o kapag nag-dress ako or skirt, ibig sabihin 'nun mahaba yung time ko para mag-ayos at hindi ako nagmamadali.
Isa pa, siya yung nagsabi na you can never go wrong with white shirts. And that's the easiest option! Isa pa, tinatamad na nga akong pumasok, mag-isip pa kaya ng isusuot? Kapagod ha! Kung pwede nga lang hoodie araw-araw yung isuot ko, ginawa ko na. Kaso ang init-init sa Pilipinas.
Stress na stress talaga si Jean na parang gusto niyang sunugin lahat ng mga damit ko at mag-shopping para palitan ngayon mismo. She can do that, but I'm sure she don't want us to be late for the party.
"Wala kang primer?!" Roselle was still hating my makeup kit na hindi ko naman masyadong ginagamit. Actually, hindi ko na maalala kung kailan ko ito huling ginamit. Wait, nagamit ko nga ba?
I don't know. Hindi naman talaga kasi ako palaayos. Well, I don't usually exert effort in making myself look extra good originally. The first three years of junior high, naaayusan lang talaga ako kapag may school event or may occasion sa bahay. Nagbago lang when I started liking a certain guy during tenth grade. I made changes I wish I never did.
Ngayon, kung hindi lang ako pinipilit ni Jean na bumili/nililibre at binibigyan ni Lisha ng mga products galing sa sponsors niya, alagang lip tint at pulbo lang talaga ako hanggang forever and ever. Hindi ako marunong magkilay talaga kaya brow gel lang yung ginagamit ko or hinahayaan ko nalang.
I'm not even good at putting lipstick. My makeup skills are as sloppy as kuya Glen's dance moves when he's drunk. Kaya tuwing sinusubukan kong mag makeup, I only get frustrated so I give up.
Kung hindi lang talaga dahil sa kanila, mukha na akong taong tabon ngayon. Every end of the month, sinasama ako ni Jean sa appointment niya sa isang beauty salon. Tapos dinadala ako ni Roselle sa isang spa at dermatologist. And Lisha brings me to the gym to workout.
Sila ang rason kung bakit mukha parin akong tao hanggang ngayon. For the past two years, it's like I'm back to the old Jessie again.
"Jessie, do you even have any highlighter?" Gigil na gigil talaga si Roselle the mukbang queen slash beauty guru. I think she's planning to throw everything inside that kit away and drag my lazy ass to a makeup store.
"Meron," sagot ko sa kanya.
"Where? Anong brand?"
"Nandun," I pointed the black bag that I use for school on my study table. "Stabilo. May neon orange at yellow. May pink din tapos may mga pastel colors. What do you like?" Alam ko naman kung anong highlighter ang tinutukoy niya but it's really fun to tease her.